KASSY’s POV Tumuloy na agad ako sa kwartong tinutuluyan ko rito. Hindi ko na kailangan pang lumabas dahil wala namang gagawin. Nakikipag-usap pa sa akin si Cinderella kanina pero sinabi kong mainit ang ulo ni Sir Dax at baka mapaalis pa kami nito. Kaya tumigil din siya. Sinabi ko sa kanya na puyat na rin ako kaya gusto kong magpahinga na. Naligo agada ko. Pinapapunta niya ako sa kwarto niya. Hindi ba nakakahiya na ako ang babae, ako ang pupunta sa kwarto niya at kakatok? Parang ako pa ang naghahabol sa kanya. Ayaw kong pumunta. Baka may makakita pa sa akin at kung ano pa ang ibintang sa akin. Kung gusto talaga niya ako, gusto niyang ituloy ang ginagawa naming dalawa, siya ang pumunta rito. Tama, hindi ako pupunta sa kanya. Maghintay siya kung gusto niya. Pagod naman talaga ako d

