KASSY’s POV Nakauwi na kami sa bahay namin ni Dax kahapon at ngayon ay naghahanda kami sa pagpunta sa bahay nila. Tumawag pa siya kanina sa Mommy niya para malaman kung nasa bahay ba ito o nasa bahay nila Sir Dougz. Hindi pa ako masanay na tawagin siyang Dougz. Iyon ang sabi niya sa akin at ganoon din si Ma’am Ivy na tawagin kong Ivy na lang. Malaking bagay na alam ng mag-asawa ang tungkol sa amin ni Daddy Dax dahil kapag nandoon sila ay nababawasan ang tensyon na nararamdaman ko. “Baby, nasa bahay si Mommy. She asked me kung bakit daw nagtatanong ako – hindi ko sinabi dahil gusto kong masorpresa siya. Matutuwa iyon dahil ‘yong sinasabi niya na sa akin noon na humanap ako ng mapapangasawa ay matutupad ko na.” Niyakap niya ako. Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng aking buhok. Hindi na

