KASSY’s POV Nagwawalis ako sa may malapit sa gate nang may mag-door bell. Delivery rider ang nasa labas. “Ano pong kailangan ninyo, Kuya?” tanong ko rito. “May delivery lang po, Miss maganda.” Sagot naman nito sa akin. “Para kanino po?” “Para kay Miss Kassy De Belen po.” Ako iyon, wala naman akong order. “Kuya, ako po si Kassy. Pero wala po akong order.” “Pwedeng hindi naman po kayo ang um-order nito Ma’am ganda. May nagpadala po nito sa inyo at alam ko na po kung bakit?” “Bakit?” tanong ko naman sa kanya. “Malamang nabighani po sa ganda ninyo kaya pinadalhan kayo ng magandang bouquet.” Inilabas na nito at maganda nga ang bouquet. Alam ko na kung kanino ito galing. Mabuti naman at hindi na tiningnan ng delivery man ang nakasulat sa card. Nagpasalamat na ako rito at mabilis

