DAX’s POV Tulad ng sinabi ni Tiya Mila na kailangan kong ligawan ang kanyang pamangkin sa bahay kaya naman nagpahanap ako ng matitirhan dito sa Cavite. ‘Yung malapit sa bahay nila at malapit din sa planta. Itinapat ko talagang hapunan ang punta ko sa bahay nila. Baka makita ko kung may pagbabago na ba kay Tiya Mila. Okay lang din na tawagin ko siyang Tiya Mila dahil nasa late 50’s na rin naman siya. Mas matanda sa kanya si Manang Minerva kahit na mag-bff silang dalawa. Pero ngayon sa amin na kampi si Manang Minerva kaya full support na rin siya. Ayos na ang bahay kanina pag-uwi ko. Inihatid n ani Boy si Manang Minerva. Ako lang mag-isa sa inuupahan kong apartment at may dala naman akong sasakyan nung pumunta ako kaninang umaga dahil si Boy si Manang ang sinerbisan niya. Kasalukuyan k

