KASSY’s POV Kasama sa ipinagdasal ko ang paggaling ng aking pinsan na si Onak. Sana nga okay na siya, pati na rin ang pangangailangan sa pambayad sa hospital. Nahiya rin siguro sa akin si Tiya Mila at nalaman niyang hiram ko ang pera. Nasa account ko pa pala ang pera. Ibabalik ko na kay Dax ang pera niya lalo na ngayon na opisyal na kami. Hindi ko siya minahal dahil mayaman siya at para iahon kami sa kahirapan. Pangarap ko na makahanap ako ng taong mamahalin ako at mamahalin ko rin pero hindi ko sinabi na gusto kong mayaman para maiahon ako sa kahirapan. Never kong isinama iyon sa criteria. Malay ko bang pag pumunta ako sa malaking bahay na makita ko si Daddy Dax at magkaroon agad ng intimate moment sa kanya na hinanap hanap nito. At nung matikman ko rin, nahumaling na ako na kay hirap

