KASSY’s POV Mahalaga talaga na kasundo mo ang pamilya ng mahal mo. Hindi pa man kami kasal ni Dax ay pamilya na ang trato sa akin ng anak, ng kapatid, at ng Mommy niya sa akin. Nakipaghiwalay man siya sa akin pero pamilya niya ang kumupkop din sa amin ni baby. Hindi kami pinayagan na umuwi ng Cavite para hindi malaman ni Tiya Mila. Ito naman ang tama, mas maganda na sa pamilya niya ko siya isumbong. Ayaw ko rin masira ang image niya sa family ko. Naipaliwanag din naman sa akin ni Thisa ang nangyari. Kahinaan ni Dax na makarinig ng istorya ng ibang tao. Pakiramdam niya ay gagawin ko rin sa kanya ang bagay na iyon. Napaka-unfair niya sa part na iyon dahil pinag-iisipan niya ako ng hindi maganda. Na-guilty rin si Thisa at Ivy dahil sila ang kakuntsaba ko sa gagawin naming sorpresa pero

