KASSY’s POV Sinundo ako ni Mang Boy at ihahatid sa Alabang kung saan nakatira si Mharimar. Nandoon ang mga iba pang kaibigan namin o mas tamang sabihin na dati kong kasamahan sa factory. Sa iba na rin sila nagwo-work dahil six months lang naman ang kontrata namin. Magkaka-ibang buwan lang din kami naalis depende kung kailan pumasok. Si Mharimar ang kasabayan ko talaga. Kaya mas close kaming dalawa. Nakapunta na rin siya sa amin sa Cavite dahil doon ako nakatira noon at malapit lang ang pinapasukan naming factory. Kilala siya ni Tiya Mila. Hanggang ngayon ay sa Cavite pa rin siya nagwo-work pero ibang company. Day off nila kaya naman napagkasunduan na magkita-kita. Nataon din naman na kasal ni Sir Dougz at hindi naman ako invited. Kahit pilit akong sinasama ni Daddy Dax ay ayaw ko pa rin

