DAX’s POV Matapos ang heart to heart na usapan namin ng aking princess ay nag-decide akong dito na lang din matulog sa bahay ni Mommy. Wala rin naman ang baby ko sa condo. Mag-isa lang din naman ako roon. Hindi rin lang ako makakatulog. Kailangan ko ang baby ko. Tinawagan ko ito. Kanina ay nakapag-message na ako sa kanya na nandito na ako sa bahay. Sumagot naman siya. Nagsabi naman din akong tatawag ako bago matulog. Pero wala pa rin sagot ang tawag ko. Ano kayang ginagawa niya at hindi siya sumasagot? Nakatulog na kaya siya? Palitan ko siyang tinatawagan sa number niya at messenger. Naka-ilang beses na rin akong bumangon para maglakad-lakad. Hindi ako mapakali dahil wala siyang sagot. Mag-isa pa naman siya sa bahay namin. “Baby, sagutin mo naman please.” Sarili ko na lang ang kin

