KASSY’s POV “Dax, nandito ka pa pala? Sinabi ko kay Dougz na dumaan ka rito.” Kapapasok lang namin dito sa kitchen ni Daddy Dax. Daddy talaga? Limitado lang ang salitaan naming dalawa. Kailan kaya ‘yung kakausapin niya muna ako. Kinakausap niya ako pero paunti-unti lang at sa tuwing sasagot naman ako ay kinakain niya ang mga labi ko. Hahalikan hanggang wala na, hindi ko na nasabi. At kanina sinabi pa niya na pag-aari na niya ako? Bagay lang ba ang tingin niya sa akin? Sa susunod hindi pwedeng aksyon lang. Kailangan muna naming mag-usap. Halos lahat dinilaan na niya pero may hinihintay Ako. Noon kami ni Rhein, laging nag-uusap. Iyon nga lang wala naman siyang magandang plano para sa future namin. Kinakausap ako para mapapayag sa gusto niyang mangyari. Kaya hayun ang hinayupak, nakabuntis

