DAX’s POV Nakakatuwa naman ang aking baby, kahit nasa bahay siya at nasa office ako ay nagawa niya akong pagbigyan. Iba pa rin syempre ‘yung magkasama kami sa iisang lugar. Biglaan lang din kasi ang lahat. Hindi ko akalain na kahit boses lang ay mag-re-react ang katawan ko. Boses pa lang ng aking baby ay nagwawala na ito kaya hindi nakakapagtaka na kapag nakikita siya ay matindi ang nangyayari sa akin. Inspired pa akong magtrabaho sa maghapon at excited na umuwi ng bahay. Tinawagan ko na siya para malaman niya na papauwi na ako. Nag-iba ang tono ng pakikipag-usap niya sa akin. May po at tila hindi excited na makita ako. Umuwi na pala si Manang Minerva. Nag-alala ako at hndi na kami mamaya magkakasama ng aking baby. “Hello!” rinig kong sagot ng aking kapatid. “Bro, I found out that

