DAX’s POV Tawagin man ng iba na panunulsol ang ginagawa ko ay okay lang. Double purpose naman iyon. Nakatulong na ako sa s*x life ng mag-asawa, maluwag pa akong nakakapunta sa bahay nila. Hindi na ako pinatulong pa ni Tiya Mila sa construction. Lagi na siyang magiliw at hindi na ako sinusungitan. Malapit na rin matapos ang pinapatayong maliit na bahay at may kontrata na kami na kami ni Kassy ang titira sa bahay. Pinayagan din akong magbigay ng opinyon sa magiging ayos since kami naman ang mag-rent. At magsasama kaming dalawa rito ng baby ko na parang mag-asawa. Bibitawan ko na ang apartment na nakuha ko at ililipat ko na ang gamit ko rito. Kaunti na lang at pwede na lipatan. Ilang Linggo na lang din at kasal na ng anak ko. Makakapag-house warming pa kami rito at makakalipat bago ang

