KASSY’s POV Bumukas ang pintuan sa kwarto nila Tiya Mila at Tiyo Pepe. Nanatili naman na magkayakap kaming dalawa ni Daddy Dax. Wala naman makikita sa amin kundi magkayakap habang nasa ilalim ng kumot. Balot na balot kami at hindi na siya mag-iisip na may ginawa kami kahit ang totoo ay nakapagpasarap na kaming dalawa. Isa lang ang malinaw – magkabati na kami at okay na okay na. Sinadya namin na magkunwaring tulog para lalong maging inosente kami sa mata ni Tiya Mila – pero hindi kay Tiyo Pepe. “Kassy, gumising na kayo. Magsisirating na maya-maya ang mga makakatulong sa paghuhukay ng mga tatayuan ng poste.” Bahagya pa ako nitong tinapik. “Mukhang wala naman na ginawa itong dalawang ito. Balot na balot pa. Pwedeng maka-ulit ang lalaking ito.” Bulong pa ni Tiya Mila at muli akong tinapik.

