3

1897 Words
DAX’s POV Tila hindi ako nakatulog. Parang pumikit lang ang aking mga mata at ang alaga ko ay magdamag ding nagwawala. Ano bang meron sa babaeng iyon? May kasama nga ako sa trabaho na halos lumitaw na ang ut0ng sa baba ng neckline pero wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Kahit sa harapan ko pa maupo si Miss Eva ay walang kadating dating iyon. Sexy siya, maganda rin naman pero wala lang. May mga nakikilala rin akong magagandang babae during conventions and meetings pero parang wala lang. Wala akong nararamdaman na espesyal para sa kanila. Nang mamatay ang asawa ko, pakiramdam ko ay kasamang nilibing ang puso ko at ang atraksyon ko sa babae. Bahay, opisina, at ang minsanang pakikipagkita ko sa mga kaibigan ko ang pinagkaka-abalahan ko sa buhay. Number one priority ko ay ang aking princess. Siya ang inspiration ko sa buhay. Matagal na panahon na rin pala akong walang babaeng nakaniig. Ang asawa ko lang ang una at huling babae na aking na-angkin. Twenty-two years simula ng kami’y kanyang iniwan. “I’m sorry, Lily. Mahina pala ako. Hindi ko yata mapapanghawakan ang sinabi ko sa iyo na hindi ako titingin sa ibang babae.” Mahinang sambit ko kahit wala akong kausap. Nagsasalita ako habang nakatitig sa kisame na ang nasa aking isipan ay ang mukha ng aking asawa at biglang napapalitan ng anino nung babae kagabi. Kailangan ko na siyang makilala ngayon. Tumayo ako ng aking higaan at naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang telepono at tumawag ako sa kitchen. Si Manang Minerva ang sumagot. Siya ang pinaka-matanda naming kasambahay rito. Buhay pa ang aking asawa ay nandito na si Manang Minerva. Siya rin ang madalas kapalitan ni Mommy sa pag-aalaga sa aking princess. “Good morning po, Manang Minerva.” “Good morning, Dax. May kailangan ka ba?” masaya nitong sagot sa akin. Hindi pa pala siya nakaka-alis. Araw- araw ay pumupunta siya sa bahay nina Dougz at Ivy. Si Manang Minerva ang tumutulong sa mag-asawa. Malapit na rin manganak si Ivy. “Manang Minerva, could you please prepare coffee for me and have our new maid bring it over? Thank you po, Manang.” Ibinaba ko naman agad ang telepono. I’m wondering if I should dress up or wear something casual. Aakyat siya rito para ihatid ang aking kape. Pero sa huli mas nanaig sa akin ang pagsusuot ko ng boxers lang. Gusto kong makita niya ang katawan ko at ang aking pagkalala ki na ipinagdidiinan ko sa kanya kagabi. Ang siniguro ko na lamang ay ang mukha ko. Kailangan malinis ito at ang mabango kong hininga. Nag-gargle ako para naman maamoy niya ang fresh breath at hindi siya umatras sa akin. Mas mabuti na ang handa sa labanan ng mga dila. Nang makarinig ako ng katok ay hinagod ko pa ang aking buhok. Tumayo pa ako nang diretso at pinalabas ko pa ang mga muscle ko. May ngiting naka-ready at pati ang lalamunan ko ay nire-ready ko rin. Modulated voice ang inihahanda ko para sa kanya. Hinawakan ko na ang door knob. Ang ngiti ay handa na at ang alaga ko ay ready na rin para batiin siya ng isang magandang umaga. “Good m-“ hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Bigla ko rin naisara ang pinto dahil iba itong babae na nasa labas ng aking pintuan. “Sir Dax, heto na po ang coffee po ninyo,” ibang katulong itong may dala ng aking ni-request na kape. Imposible naman na ito ang kasama ko sa kitchen kagabi. Bukod sa maliit siya ay hindi rin ganito ang katawan ng babaeng nakahalikan ko kagabi. Kabaligtaran ito. Unti-unti kong binuksan ang pinto. Ngayon ay sisilip na lamang ako. Tama lang para maabot ko ang kape. At ang alaga ko na ready kanina ay biglang nanghina. “Nasa may kitchen ka ba kagabi?” paniniguro ko lang dito. “Nagpunta po ako sa kitchen dahil uminom po ako ng tubig. Nakita pa nga po ako ni Manang Minerva. Bakit po Sir?” tanong nito sa akin. “Matangkad ka kagabi, ngayon lumiit ka na. Ikaw ba si Cinderella?” yung nagbabago ang anyo sa gabi. “Sir, ang galing naman po ninyong manghula? O talagang inalam po ninyo kay Manang Minerva ang pangalan ko? Bawal po ang mandaya.” Sa sagot niya ay napatawa na ako. Nakahinga rin ako dahil hindi Cinderella ang pangalan ng babaeng kasama ko sa kitchen kagabi. “Nahulaan ko lang. May kasamahan ka bang Kassy ang pangalan?” tanong ko rito. Nakatago ako sa likod ng pinto habang kausap ko siya. “Ang galing mo naman po, Sir Dax. Baka ikaw po ang nawawalang anak ni Madame Auring,” sambit nito at tumawa pa. Hindi ko naman pwedeng sawayin at baka hindi na sagutin ang tanong ko. “Masyado ka namang masayahin, Cinderella. Kilala mo ba si Kassy?” ulit ko sa kanya. “Ah si Kassy po? Yung maganda pong babae at mas sexy po sa akin. Lamang lang naman po siya ng limang paligo sa akin. Iyan din po ang sinabi niya kahapon nung ipakilala po siya sa amin ni Manang Minerva. Siya po ang pinakabagong katulong dito. Hindi po kasi siya marunong magluto kaya sa labas po siya naka-assign. Nagwawalis po siya kanina sa may palibot ng pool.” Gusto kong tumalon sa tuwa dahil hindi siya si Kassy. Magka-ibang tao sila. Mabuti naman kung gano’n. “Cinderella, pakidala na lang sa may pool itong kape ko. Pakigawaan na rin ako ng sandwich. Doon mo rin dalhin. Kailangan ko palang magbilad.” Sambit ko rito at muli kong iniabot sa awang ng pintuan ang aking kape na kinuha sa kanya kanina. “Okay po, Sir Dax. Talaga po bang Dax ang pangalan ninyo o dahil po malaki yung nasa harapan po ninyo?” walang preno ang bibig ng isang ito. “Cinderella, Dax ang pangalan ko pero ang nakita mo ay padded lang. Huwag mo na sanang ipagkalat sa iba, nakakahiya. Baka kung ano pa ang sabihin nila.” Dinaan ko na lang sa karinyo ang isang ito. Hindi ko naman sa kanya ipinapakita sana iyon. “Okay po, Sir Padz.” “Anong Sir Padz?” “E di ba po, padded lang po iyan. Mas bagay po na Sir Padz kaysa sa Sir Dax.” Saan ba kinuha ni Manang Minerva ang isang ito? “Sige na, pakidala na ang kape at sandwich ko sa table malapit sa pool. Susunod na lang ako. Magbibihis. ako para hindi nila makita ang padded boxers ko.” Isinara ko na ang pinto at para matapos na rin ang usapan namin ni Cinderella. Mabuti naman at hindi siya si Kassy. Muntikan kong isipin na hallucination lang ang lahat. Mabilis akong nagsuot ng shorts at shirt. Mahirap palang i-flex ang aking harapan at iba ang nakakakita. Nasalubong ko pa si Mommy sa hagdanan. “Good morning, Mom!” humalik pa ako kay Mommy. “Good morning, son! Saan ang punta mo? Hindi ka papasok sa office?” tanong sa akin ni Mommy. “Magpapa-araw lang po sa may pool. Later po, Mom, papasok ako sa office.” Tumango naman si Mommy at nagmadali na akong bumaba ng hagdanan. Nandoon pala siya sa labas ng bahay. Anong assignments niya rito sa bahay? Nasalubong ko pa si Cinderella. “Sir Padz, nasa may labas na po ang coffee and sandwich po ninyo. Enjoy your breakfast po.” Nagkaroon pa ako ng alyas sa babaeng ito. Tama lang na dark shirt at medyo mahaba ito para natatakpan ang aking alaga. Mabuti at natulog na rin ang aking alaga. Dahil kay Cinderella ay para itong natalo sa isang boxing. Knock out ang aking alaga pagkakita ko sa kanya kanina. Ang mata ko ay hindi na mapakali pagkalabas ko palang ng pintuan. Hinahanap ang babaeng nakahalikan ko kagabi. Ito na ba siya? Ang babaeng nakatuwad at pilit inaabot ang dumi sa may pool. Dahil matangkad siya sa karamihan ay napa-ikli sa kanya ang uniform nila. Tamang-tama pala ang pwesto ko. Naupo ako at medyo ibinaba ang ulo ko para masilip ko ang nais kong makita. Maganda ang mga binti at hita niya pero mas maganda kung ang makikita ko ay ang nasa mas mataas na bahagi nito. “Yumuko ka pa, baby,” mahina kong sambit. Para naman akong narinig nito at tumuwad pa ito. Kaunti pa, at masisilip ko na ang dapat kong masilip. “Kassy, anong ginagawa mo?” may biglang sumigaw kaya naman nagulat si Kassy. Hindi ito nakapagbalanse at nahulog siya sa pool. “Nalulunod si Kassy!” sigaw naman ni Cinderella ngayon. Mabilis akong napatakbo sa pool at hindi ako nagdalawang isip na tumalon para masagip ko ang dalaga. Pagtalon ko sa pool ay sumisid agad ako para makita ko siya. Laking gulat ko dahil wala naman ito sa ilalim. Nakita ko na nakatayo naman siya pero hindi nakaligtas sa akin ang kanyang suot na panloob. Tumaas ang suot niyang uniform kaya kitang kita ko ang gusto kong masilip kanina. Nakasuot ito ng kulay pink na undies. Nakatalikod siya sa lugar kung nasaan ako. Mabuti at magaling akong swimmer. Kaya kong magtagal dito sa ilalim ng tubig. Unti-unti itong umiikot at paharap sa akin ang harapan nito. Kung maganda na ang kanyang likuran, sigurado ako na mas maganda pa ang harapan niya. Nagalit na naman ang aking alaga dahil sa matambok nitong pagkababa e. Kung pwede ko lang sanang hawakan kaya lang ay nagulat ako nang bigla siyang sumisid din. Nagtagpo ang aming mga mata. Maganda nga siya, lalo na ang kanyang mga mata. Kakapusin na ako ng hangin kaya mabilis akong umahon. Ang mukha ni Cinderella ang aking nabungaran. Umahon din agad si Kassy. Parehong nakalabas na ang mukha naming dalawa. Namumula ang kanyang mga labi, nakakatakam itong halikan pero paano ko magagawa kung nakatunghay ang mukha ni Cinderella? “Pakikuha kami ng towel, Cinderella.” Utos ko rito pero ang mga mata ko ay nakatitig sa mukha ng magandang babae na nasa harapan ko. “Okay po, Sir Padz. Akala ko po nalunod na kayo e. Kung marunong lang akong lumangoy ay sinisid ko na sana kayo. Si Kassy na lang ang inutusan ko. Sa sunod kasi Sir Padz, huwag sugod nang sugod.” Ang tagal naman nitong umalis. May gagawin pa ako kay Kassy. Pagkatalikod ni Cinderella ay hinila ko agad si Kassy sa ilalim ng tubig at dito ko inangkin ang kanyang mga labi. Dinala ko siya sa malalim na bahagi para makatayo kaming dalawa at maramdaman niya ang nagagalit ko na namang alaga. Binuhat ko pa siya at inilagay ko sa aking bewang ang kanyang mga hita. “Nasaan na sila?” rinig naming wika ni Cinderella kaya mabilis akong itinulak ni Kassy at inihiwalay na nito ang kanyang mga labi. Mabilis itong lumangoy papunta sa may hagdanan. Masayang masaya ako na naka-iskor kahit sa may tubig kami. Naglangoy pa ako nang naglangoy at baka makahalata si Cinderella na madaldal. Wala talagang maitatago sa kanya kapag nahuli kami nito. Bago ako umahon ay hiningi ko agad ang towel. Hindi pa kasi humuhupa ang galit kong alaga. Baka makita na naman ni Cinderella. Baka mamaya ay pindutin ito para lang mapatunayan niyang pads. Itinakip ko ang towel sa harapan ng aking katawan. Masaya akong papasok nito sa office. Nakahalik na naman ako kay Kassy. Kailan ko siya masosolo kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD