KASSY’s POV Masaya ang tanghalian namin sa bahay ni Tiya Mila. Hindi ko na ramdam ‘yung bigat kapag magkakaharap kami kasama si Dax. Ngayon ay hindi na lasing si Tiya Mila kaya alam kong okay na okay na siya sa lalaking mahal ko sa kabila na malaki ang agwat namin sa edad. “Tiya, hindi na po kami magtatagal ni Dax. Pupunta pa po kami sa Batangas.” “Maganda raw doon Ate. Beke nemen.” Hirit pa ni Onak. “Tumigil ka, Onak! Hayaan mong mag-enjoy ang KADAX at limitado lang ang oras nila. Baka maging istorbo ka pa sa kanila.” Saway ni Tiya Mila pero parang may gusto itong ibang ipakahulugan sa sinabi niya. Kung lasing ito, naku! Baka nasabi na niya ang mga salita na hindi pa dapat naririnig ni Onak. Pero sanay na rin ang pinsan ko dahil iyon naman ang sinasabi ni Tiya Mila kapag lasing na

