CHAPTER 30 Madali lang sabihin na kausapin siya tungkol sa ex niya, pero para sa akin mahirap itong gawin. Napagdesisyunan ko talaga na mag-overtime para maging busy ako at ang utak ko. Saludo rin ako dito sa utak ko, eh, ‘di napapagod kakaisip. Natapos ko na lahat ng trabaho sa coffee shop, pero hindi ako uuwi ngayon. Nagpunta ako sa kalapit na convenience store at bumili ng makakain at ng 3 tatlong lata ng beer. Pagkatapos ay pumanhik ako sa rooftop ng café, may mga iilang mesa rin dito at benches, pinailawan lang nila ng maliliit na bumbilya para aesthetic pa rin tignan. Kanina ko pa natatanaw ang phone kong panay ang ring dahil sa pagtawag ni Sean, hinahayaan ko lang ito. Maya maya lang, dahil sa pag scroll scroll sa social media may nakita akong quote sa sss. The quote says, ‘I wa

