“Good morning!” Abot tenga ang ngiti niya ng batiin ako. Inilapag niya sa lamesa ang dalawang plato na may mga kutsara at tinidor na. He already prepared breakfast. Namilog ang aking mga mata at mabilis kong tinakpan ang aking bibig ng akmang hihikab sa harapan niya. Naalala ko dito pala siya natulog sa may sofa kagabi. Oh no, nakakahiya! Mukhang tapos na siya maligo samantalang ako ni maghilamos man lang hindi ko pa nagagawa. Nataranta akong bumalik sa kwarto at hinalungkat ang mga gamit ko para maghanap ng towel. Bakit kasi hindi ko muna inayos ang mga to bago matulog kagabi at bakit walang CR dito sa kwarto? Edi sana, hindi na ako mukhang sabog ngayon. “You can take a bath first, tatakpan ko lang muna yung mga pagkain. Babalik na lang ako after 30 minutes.” Nakasunod pala siya

