After that day of the wedding, I never thought of seeing him again. But today, sadyang mapaglaro lang ang tadhana dahil nagkita na naman kami. I'm not putting any meaning into it, but it's just that his love story kinda bothers me.
Affected?
I don't think so, more on pity because he met a person who doesn't have contentment in life.
"So, what are you doing here?" usisa sa akin ni Kuya Matt.
"Ha? U-uhm.." I look at him, he’s waiting for my answer.
Napatingin rin ako sa kasama niya na mukhang curious din sa sagot ko.
"May k-kaibigan lang na dinalaw." pagsisinungaling ko.
Parang na-convince ko naman si Kuya Matt dahil tumango siya. How I wish dumating na si Coleen dito para masalba ako.
"Hi guys!"
Lahat kami ay nabaling ang atensyon sa dumating. Thanks, God!
"Hi, besty!" bati ko kay Coleen. Lumapit naman siya sa akin at bumeso. Amoy alak pa ang gaga.
Nakaramdam ako ng kaba ng makita niya ang kinakain ko.
"Ew, besty! Ito lang ang pagkain mo? You should be eating healthy! My Gosh! May sakit na nga ang kuya mo dadagdag ka pa!"
Namilog ang mga mata ko sa narinig at agad na tinakpan ang kanyang bibig. Minsan nakakainis din maging best friend 'tong babaeng 'to, eh. Napaka straight forward at walang pakialam sa paligid. Akala ko masasalba na ako dito pero mapapahamak pa pala ako.
I awkwardly laugh in front of Kuya Matt and Kuya Sean, they are both confused while looking at me.
"I-I guess, kailangan niyo na pong umuwi para makapagpahinga mga Kuya."
I removed my hand on Coleen's mouth. She looked annoyed and glared at me. I immediately mouthed 'sorry'.
"What the! You ruined my lipstick, besty! May explanation kang gagawin sa akin mamaya!" Saad ni Coleen. "Let's go, Kuya Matt."
Inalalayan niya ang pinsan niya at tinulungan naman sila ni Kuya Sean para ihatid sa labas. Sana umuwi na rin siya… Ang tahimik niya kanina, panay lang ang tingin sa aming tatlo. Tipong nag-o-observe lang sa nangyayari.
Hinila ko ang upuan at dahan-dahang umupo. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagkain ngunit nahinto ako sa pagkagat ng sandwich ng may naglapag ng isang tray sa mesa ko. Nakita kong may dalawang plato ng kanin, dalawang ulam, dalawang baso ng pineapple juice at mansanas na naka sliced na.
He pulled the chair in front of me and sat on it. Pagkatapos ay isa-isa niyang kinuha ang mga in-order niya sa tray at inayos ito sa aming harapan.
"Let's eat? Hindi pa kasi ako nakapag hapunan, sabay na tayo." ngumiti siya matapos sabihin yon.
"P-patapos na ako." tipid kong sagot sa kanya.
Tiningnan niya ang sandwich na hawak ko bago niya binaling ang atensyon sa akin.
"Mabubusog ka na niyan?"
I was about to answer him but I got interrupted by the ringing of my phone. It's ate Claire. Paano ako sasagot kung nandito ang isang 'to? Bahala na si batman!
"H-hello ate Claire?"
"Lexi, matagal ka pa dyan? Off duty ko na kasi, kailangan ko ng umuwi."
I looked at him and he was just busy chewing his food.
"Ganun po ba? —"
"Pero no worries, nakatulog na ang kapatid mo. Wala ka nang dapat ipag-alala dito. Just take your time at kung tapos ka na diretso ka na dito."
"S-sige po. Sorry po sa abala.."
"Ano ka ba, abala ka dyan! O siya, uuwi na ako, ha."
I smiled kahit hindi naman ako nakikita ni ate Claire. "Ingat po."
Binaba ko na ang phone at inilagay sa bag at kumain ulit.
"No offense, ha. Naka iphone ka pero nagtitipid ka sa pagkain?"
I raised my right eyebrow and cleared my throat. Sa lahat ng makikita niya, yung cellphone pa talaga ang napansin niya. Well, wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako ang unang nagmamay-ari nito.
Kinuha ko yung plato na may kanin at ulam, "Bigay lang to ni Coleen, nasira na kasi yung phone ko. Pero kaya pa naman yun gamitin, eh, y-yung bestfriend ko ang nagpumilit na ibigay sa akin yung luma niyang selpon para maka-contact siya sa akin kapag may raket."
Nagkasalubong ang mga kilay niya. "Raket?"
Tumango ako habang nginunguya ang pagkain. "Raket.. pagkakakitaan. Para may extra income ako."
"I get it and I bet yung pagkanta mo sa kasal ng ex ko ay isa sa raket mo, pero bakit?"
“Uhm…”
Isi-share ko ba sa kanya? Hindi naman kami close, we are not even friends.
"It's okay if you're not comfortable sharing it. Naiintindihan ko naman."
Hmm… Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Siguro naman walang masama na ibahagi ang kwento ko sa kanya? As long as he won't judge me.. Mmukha naman siyang mabait at harmless.
I sigh deeply, "Okay, I needed some extra income para sa pagpapagamot sa Kuya ko."
"So are you saying na hindi totoo yung sinabi mo sa amin kanina? Na kaibigan mo ang dinadalaw mo dito?"
I nodded slowly.. "I'm sorry.. hindi kasi ako sanay na may iba pang nakakaalam sa sitwasyon ko. It's between me and Coleen who knows everything."
"I see." Umupo siya ng tuwid at saka tumikhim. "Can I go with you after this?"
"H-Ha?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"I mean, sasamahan kita sa pagbabantay sa Kuya mo. Wala naman akong gagawin. Pero kung ayaw mo naman, again naiintindihan ko."
Why is he even doing this in the first place? May kailangan ba siya? Wala naman siyang mapapala sa akin. Pero kahit duda ako sa kanya ay pumayag pa rin ako. Tinapos lang namin ang aming hapunan at pumunta na sa silid ng kapatid ko.
Umupo siya sa may sofa na nakapwesto sa paanan ng kama at ako naman ay umupo sa side ng kama kung saan nakahiga si Kuya.
"How long was he admitted here?"
I faced him. "Almost two months na. Pero matagal na siyang may sakit at mahigit limang taon na kaming pabalik balik dito for his medication. Nagkataon na naging malala ang ubo niya kaya in-advised kami ng doctor na i-admit nalang siya para mabantayan ng maigi.” Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “He was diagnosed to COPD, fortunately this past few days ay naging maganda ang response niya sa medication. Hopefully soon kapag magaling na talaga siya, makakauwi na kami."
Pag nangyari ‘yon, kahit magdamag na akong pagsalitaan ng masama ni Auntie Tes ay okay lang dahil may kakampi na ako.
"How about the hospital bill? Sa ganyan ka tagal na niyang admitted dito, most probably your bill is already high? Sino ang tumutulong sayo sa gastusin?"
I was taken aback by his questions. It feels strange na he's interested in my story. Parang nakasalang ako sa isang interview, as if naman makabuluhan pero ang totoo simula noong naulila kami at nagkasakit si Kuya nawala na yung kulay sa buhay ko..
"Lahat ng claims na nakuha namin nung namatay ang parents namin ay ginamit ko sa pambayad sa hospital." Natawa ako ng mahina. "I think naaawa na sa akin yung management dito dahil ako lang ang nag-aasikaso kay Kuya kaya hindi nila ako pinipilit muna na bayaran ang balance."
Tumango-tango siya at hindi pinansin ang pagtawa ko. Seryoso naman masyado. Pero ang totoo, binabayaran ko naman ng pa unti-unti ang bill dito. Di na uso ngayon ang libre kaya laking tulong talaga ang pagkanta kanta ko sa kasal at ang pag titipid sa binibigay na baon ni Auntie.
"If you don't mind, anong kinamatay ng mga magulang niyo?"
Naramdaman kong umalog ang kama. Tinignan ko si Kuya, akala ko ay nagising pero mahimbing naman siyang natutulog.
Tumunog naman ang cellphone ni Kuya Sean, agad naman niya itong sinagot. Matapos niyang kausapin ang nasa telepono ay nilingon niya ako.
"I should get going."
Tumayo kami pareho at hinatid ko siya sa may pintuan.
"T-thank you sa pagsama sa akin dito and sa dinner kanina. Utang lang po muna yun ha, babayaran ko rin yan kapag nagkapera ulit ako."
"No need. H-hindi naman kita sisingilin doon and —"
"Basta, I will pay you soon."
Ngumiti ako sa kanya at sinerado na ang pinto ng tuluyan na siyang umalis. Umupo ako doon sa sofa and dialed Coleen's number and explained to her the reason why I did that to her earlier.
"My gosh, Lexi! Bakit ba ayaw mong ipaalam sa iba ang sitwasyon mo ngayon? Ayaw mo bang may tumulong sayo? Like me? Ilang beses na kitang ino-offer ng help pero tinatanggihan mo, malay mo naman sina Kuya Matt and Sean willing din magbigay ng tulong sayo. Hindi naman sa lahat ng oras ay kaya mong resolbahin ang problema ng mag-isa, tao lang tayo at kailangan ng karamay. Ika nga ng sabi ng iba no man is an island."
Natahimik ako sa sinabi ni Coleen. She has a point, but I'm scared to break my wall for other people. Sapat na sa akin ang best friend ko at ang kapatid ko.
"Hoy, speechless yarn? Natamaan ka no?" Tumawa siya sa kabilang linya.
Natawa rin ako ng mahina. "Sira, sigi na. Kung may raket kang alam, inform me okay?"
"Okay, ako pa! Good night!"
She ended the call. Napabuga ako ng hangin at isinandal ang likod sa backrest ng sofa. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga salitang nasabi ni Coleen.