CHAPTER 21 “Sure na talaga ‘to? Pinayagan ka na ni kuya Xavier na magtrabaho?” Coleen asked while we are waiting for our order to arrive. Day off ko ngayon at natanggap ko na ang unang sahod ko kaya nilibre ko ang best friend ko ng iced coffee sa Tom N Toms Coffee. My boss is such a good employer, she’s so considerate. She gave a day off to all of us who are working on shift in her café for at least once a week, siguro para maiwasan ang tulad sa nangyari sa akin. Naging overwhelming din kasi ang mga customer sa café at naging pabaya rin ako sa sarili ko kaya yon nangyari sa akin. “Yap, pero alam ko deep inside tutol pa rin siya. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na he is willing to provide pero nanindigan ako at nag-decide na ituloy ang pagtatrabaho ko. It’s for our own good naman, ma

