CHAPTER 12 “Ayoko na mag-aral!” pabagsak na inilapag ni Coleen sa kama ko ang librong binabasa. Kasalukuyan kaming nag-aaral dahil exam na namin next week. “It’s a weekend, dapat gumagala tayo, eh!” pagmamaktol niya pa. “Tiisin mo na lang, besty. Tutal after ng exam ay arts festival na, doon ka na lang bumawi.” Natatawa kong sagot sa kanya. “Yeah, right! Ang favorite event ko! Sali ka sa presentation, ah. Huwag ka nang KJ this time!” umirap siya. “Hayaan mo na ako, next school year na ako sasali.” Ngumisi ako. Sasagot pa sana siya ngunit tumunog naman ang doorbell sa labas. “That’s our snack, wait kukunin ko.” She excitedly went outside my room, ang bilis niyang mag-iba ng mood. Ilang minuto lang ay tinawag niya ako upang kumain. Ang dami niyang in-order! Eh, kami lang naman dalaw

