Habang sila ay kumakain—napapaisip si Jewel. "Buntis na nga ba ako? Isang linggo lang akong delayed, buntis na kaagad?" Saad niya sa kanyang sarili. Nakatayo parin si Anastasia sa harapan niya at hawak-hawak parin nito sa kanyang dalawang kamay. Ang takot at pangamba na naramdaman niya kanina sa babaeng may hawak ng baril—ngayon ay biglang napawi ang lahat ng iyon. Lihim siyang napapangiti dahil sa babaeng kaharap niya ngayon na animo'y isang dragon o leon kung magalit kanina, pero ngayon, kabaliktaran pala ang lahat dahil isa ngayong anghel ito sa kanyang paningin. Nahihiya siya. Gusto niyang hilahin ang mga palad niyang hawak ni Anastasia. Lalo na ng maramdaman niya kung gaano kalambot ang mga palad ni Anastasia kumpara sa kanya—na magaspang at puno ng kalyo dahil sa walang tigil niy

