_THE OFFER ( WOMB FOR RENT )

1551 Words
JEWEL'S POV: Alas dos pa lamang ng umaga gising na ako. Maaga akong umalis ng aming bahay upang pumasok sa aking trabaho. Pero bago iyon—kailangan ko munang ihanda ang lahat ng kakailanganin ni Tatay. Ang pagkain niya, ang mga gamot niya. "Jewel anak' hindi mo naman kailangang kumayod ng ganito kaaga anak. Halos wala ka ng tulog, tapos mamaya papasok kapa ng eskwelahan." Ganito palagi si Tatay sa akin sa tuwing ako'y babangon ng maaga at aalis papuntang trabaho. "Tay, hindi pwede. Kailangan natin ng pera para tuloy-tuloy na ang chemotherapy mo. Hayaan niyo na po ako." Sagot ko naman, dahil desidido akong ipagamot si Tatay. Siya na lang ang mayroon ako, dahil si Nanay---- katulad ni Tatay ay nagkaroon din siya ng sakit na malubha, sakit ng mga kababaihan, ang breasts cancer na siyang sanhi ng kanyang kamatayan. "Pwede namang, huwag na akong magpa- chemotherapy anak. Gagasto ka lang ng malaki, maghihirap ka lang anak. Mamamatay lang din naman ako." Malungkot na saad ni Tatay na siyang ikinatigil ko. Sa tuwing naririnig ko ang salitang kamatayan, kinikilabutan ako. May trauma na kasi ako sa nangyari kay Nanay kaya hanggang ngayon ay hirap na hirap akong tanggapin ang pagkawala niya lalo na kapag naaalala ko kung gaano siya naghihirap noong mga panahong nabubuhay pa siya. Pinilit niyang lumaban—para sa amin ni Tatay, pero sadyang ganoon ang buhay dahil hanggang doon na lamang ang ibinigay ng Diyos sa kanya na pananatili niya sa mundong ibabaw. "Tatay naman eh' huwag naman kayong magsalita ng ganyan. Ginagawa ko po ang lahat para maipagamot ko po kayo. Lumaban naman po kayo." Naluluhang sambit ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Imbes na ako ang nagpapakahirap para mabigyan ka ng magandang buhay, ikaw itong naghihirap anak. Patawarin mo si Tatay kung naging naging pasanin na ako sa'yo." Dito tuluyan na akong naiyak at niyakap ko si Tatay. "T-tatay ko. Kahit kailan, hindi kayo naging pabigat sa akin. Ma-mahal kita Tatay, kaya gagawin ko ang lahat." Hinawakan niya ako sa aking mukha, pinahid niya ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. "Tahan na Jewel ko. Huwag ka ng umiyak. Sige na anak, papayag na ako sa gusto mo. Nagpapa- chemotherapy na ako, lalaban ako para sa'yo anak. Tahan na." Mapait akong napangiti, kahit alam kong suntok sa buwan na gumaling pa ang aking Ama, kakapit parin ako sa maliit na pag-asa. Walang imposible sa Diyos, alam kong tutulungan niya kami. "Iyan ang Tatay ko. Heheh.. Sa inyo ako nagmana eh, palaban." Saad ko naman saka ako pilit na tumawa ng bahagya. Umaalis ako ng aming bahay, eksaktong alas-dos y-media ng madaling araw. Lalakarin ko lamang ang malamig na daanan papunta sa isang panaderya kung saan ako nagtatrabaho. Ilang kanto lang naman, mararating ko na ang panaderyang aking pinapasukan. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Magiliw na bati ko sa lahat ng aking katrabaho ng ako'y nakapasok na. "Magandang umaga din Jewel. Halika, magkape kana muna, nakasalang na ang ilang tray ng tinapay. Maya-maya lang pwede nang hanguin mula sa hurno." Sagot naman ni Mang Raul, ang isa sa mga dough maker namin. "Mang Raul, ilang bags ba ang nagawa nating pandesal? Pagkatapos nito, kukuha ulit ako ah? Maglalako ako sa kabilang subdivision, sayang, dagdag kita din iyon." Saad ko pa na siyang ikinatawa nilang lahat. "Ikaw talaga Jewel, wala ka bang balak magpahinga Ineng? Mapapagod kana dito mamaya—magtitinda kapa?" "Eh, kailangan po eh. Para may pandagdag ako sa gamutan ni Tatay. Sayang din po ang porsyento ko." Saad ko naman habang isinusuot ko ang aking hairnet at ang aking apron. Hanggang sa dumating na din ang aking kaibigan, ang aking bestfriend na si Celestine, na kasa-kasama ko sa bakery. "Nandito kana pala bruha? Katok ako ng katok sa bahay ninyo, walang sumasagot." Salubong na wika niya sa akin. Marahil ay nakatulog ulit si Tatay kaya hindi na niya narinig si Tintin ng ito'y dumaan sa aming bahay. "Kadarating ko lang din Tin, sige na kape kana muna." Saka ako nagsalin ng kape sa isang tasa na tinimpla naman nila mula sa isang maliit na takure. Habang kami'y nagkakape at naghihintay sa mga tinapay upang hanguin, may isang bagay na naikwento si Tintin sa akin. "Jewel, halika!" Mahina at halos pabulong na wika niya sa akin. "Alam mo bang ikaw ang naiisip ko para sa part-time job na ito?" Namimilog ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Tintin. "Talaga? Part-time job?" Nae-excite na wika ko. "Oo Jewel, malaki ang potential mo dito." Saad niyang muli sa akin. "Sige, sige. Gusto ko iyan Tin, alam mo namang kailangan ko ng pera ngayon hindi ba?" Masayang wika ko naman sa aking kaibigan. "Atin-atin lang ito ah? Ahm—Jewel, alam kong hindi kapa nagkaka- boyfriend, kaya alam kong fit na fit ka para sa part-time job na ito." "Hah?!" Awang ang bibig ko dahil sa kanyang tinuran. "Boyfriend? Tintin ah' parang sa tono ng pananalita mo, hindi ko na yata gusto! Ah, Celestine Dimakulangan, dehado yata ako sa part-time job na iyan! Hahah.. Ayaw ko!" natatawang sambit ko. "Gaga! Milyon ang offer, ayaw mo nun, maipapagamot mo na ang Tatay mo ng walang inaalalang gastusin? Jewel, mag-isip ka nga ng mabuti." Dito ay natigilan ako. Milyon? Bakit ang laki, gayong part-time job lang naman? "Jewel, may nakausap ako kahapon. Mayaman daw ang taong iyon. Ang sabi eh, bilyonaryo pa nga. Naghahanap daw sila ng babaeng, fresh. Iyong wala pang karanasan sa kama, in short gusto nila iyong birhen at siyempre, iyong tipong beauty queen at supermodel ang dating. Pasok ka doon Jewel. Nasa'yo ang mga requirements na hinahanap nila." wika muli ni Tintin sa akin. "Dimakulangan ka nga! Kulang-kulang na ang pag-iisip mo Tintin, kung anu-ano na ang sinasabi mo. Hahaha.. " natatawang bulalas ko sabay lagok sa natitirang kape sa tasa ko. "Seryoso ako Jewel, huwag mo nga ako pagtawanan! Makinig ka kasi sa akin." Napapakamot sa ulo na saad niya sa akin. "Sige nga aber, anong trabaho 'yan? Part-time job lang pero milyon ang bayad? Naku ah' magtitinda ba ako ng cocaine niyan at gagamitin nila ang katawan ko? Naku, Tintin' tigil-tigilan mo nga ako!" naiiling ako, dahil sino ba naman kasi ang magseseryoso gayong part-time job nga lang pero milyon pa ang bayad? Maliban na lamang kung iyon ay illegal? "Naghahanap sila ng paupahang sinapupunan, Jewel. At ikaw, ikaw ang naiisip ko, dahil bukod sa birhen kapa, siguradong mabibigyan mo ng magandang lahi ang bilyonaryong iyon." "Ano?! Hahahah.. Tintin, kulang ka na naman yata sa tulog! Alam mo, matulog ka nalang ulit, nananaginip ka, hoy Celestine Dimakulangan." Naiiling-iling na sambit ko sabay tayo na upang magpunta na sa loob dahil tinatawag na kami ng aming master baker para sa mga tinapay na hahanguin. "Jewel naman eh! Hoy, bruha' sandali!" tawag pa niya sa akin, pero hindi ko na ito nilingon pa. Walang imikan sa aming dalawa ni Tintin' habang kami'y nag-aayos sa mga tinapay na hinango mula sa hurno. Nag- repack na din kami para sa mga sliced bread, cheese bread, pande-coco, spanish bread, at siyempre hindi mawawala ang paborito ng bayan, ang pandesal. Kumuha na din ako ng styrofoam box para maglagay ng mga pandesal na aking ilalako maya-maya lamang pagkatapos ng repacking at pag-aayos para sa mga idi- display naming mga paninda. Pagkatapos ng repacking, nagkilo na naman kami ng mga harina at iba pang sangkap para sa susunod na lutuan. Si Tintin naman ay aalis na din maya-maya lamang dahil maghahatid sila ng mga tinapay sa ibang branches ng aming bakery. Alas- kwarto y-media ng matapos kami. Nagbukas na din ang aming bakery kaya dagsaan na din ang mga dumadaan upang bumili ng mainit na tinapay, lalo na ang best seller namin ang hot malunggay pandesal with cheese. Gamit ang isang bisikleta, nagpatuloy ako upang magtinda ng mainit-init pang pandesal mula sa kabilang subdivision. Kilala na ako ng mga guwardiya doon kaya hindi na pahirapan sa akin upang ako'y makapasok at makapagtinda. Habang ako'y nasa daan, hindi maalis-alis sa aking isipan ang offer ni Tintin. "Paupahang sinapupunan? Totoo' kaya iyon? Bakit kailangan nilang umupa kung mayaman naman pala ang nangangailangan ng anak? Hmm?" Napapa-isip ako, kung totoo nga ang offer ni Celestine na iyon sa akin—hindi na nga ako mamo-mroblema pa para sa gamutan ni Tatay. Malaki na ang chance na gumaling si Tatay at makasama ko pa siya ng matagal. At dahil doon, isang bagay ang napag-isip- isip ko. Pagkatapos kong magtinda ng pandesal, kakausapin ko ang kaibigan ko. Kailangan ko munang kumpirmahin ang lahat—dahil wala akong hindi gagawin para sa mahal kong Ama. POT.. POT.. POT...POT.... Gamit ang aking bicycle air horn—o iyong "potpot" kung aming tawagin. Gawa ito stainless steel na may kasamang gomang pigaan o rubber bulb na siyang pinagmumulan ng hangin para tumunog at upang makatawag ng pansin sa aking mga costumers. "Pandesal po kayo diyan! Pandesal na mainit-init pa! Masarap isawsaw sa mainit na kape. Harat na po, bili na po kayo! Masustansya na, masarap pa!" matinis ang boses ko sabay piga sa aking potpot upang makatawag ng pansin. Ganito umiikot ang buhay ko araw-araw. Ako si Jewel Vera Mariano, dalawamput-isang taong gulang at isang dalagang handang gawin ang lahat upang masuklian ang buhay na ipinagkaloob sa akin ng aking mahal na Ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD