Paglabas ko ng CR ay naghihintay na sa akin labas si Ric at katabi na niyang nakatayo si CJ. "O, Anak, bakit ka andito? Nag CR ka din ba?" Tanong ko kay CJ. "Hindi po, My. Ang tagal nyo po kasi kaya sinundan ko na po kayo. Naiserve na po kasi yung food. Dapat nga po si Tito Janus ang susunod sa inyo pero sabi ko po ako na lang. Sabi po kasi ni Tito Roy na baka daw nagrun away ka na naman daw po." Kwento ni CJ habang naglalakad kami pabalik ng Cabalen. Nagkatinginan kami ni Ric. Bakit siya ang susunod sa amin? Alam ba nya na may itinatago akong lihim? Ito talagang si Roy, lalagyan ko ng brake fluid ang bibig. Nakakainis. Binalikan ko pa ng tingin ang papunta sa CR para tignan kung may fire exit doon. Memories…. "Mahaba kasi ang pila sa loob ng CR." Pagpapalusot ko kay CJ. "Bakit po nam

