"My, I want to study po BS Accountancy just like you pero sa Saint Louis University po." Ani ni CJ sa akin.
Nakasanayan na niyang tawagin akong My. Short for Mommy. Tata Ric naman ang tawag niya kay Ric. Magkakaharap kami sa dining table nina CJ at Tata Ric niya.
"Anak, nasa Baguio ang Saint Louis University. Ang layo nun. Ayaw mo bang dito na lang sa Bulacan or sa Metro Manila ka na lang magcollege? Marami namang universities dito sa Bulacan at Metro Manila na mataas ang kalidad ng edukasyon." Gulat kong sagot sa kaniya. Maski si Ric ay halatang nagulat din sa sinabi ni CJ. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ric. Sa dinami dami ng university at lugar dito sa Pilipinas, bakit sa Saint Louis University pa? Bakit sa Baguio pa?
"My, sa Baguio ko po gusto." Malambing na sagot ni CJ. Tumayo pa si CJ para yakapin ako sa leeg ko mula sa likod at isinandig pa niya ang ulo niya sa balikat ko. He really knows kung paano niya ako lalambingin para mapapayag ako sa mga gusto niya.
"Pero, anak, malayo ang Baguio. Tayo na nga lang ni Tata Ric mo ang magkakasama, magkakalayo-layo pa tayo." Nagkunwari akong nalungkot.
"My, hindi ko naman po sinabi na iiwan ko kayo dito. Tatlo po tayong maninirahan sa Baguio ni Tata Ric. We can either rent po an apartment there or buy po a house. Gamitin po natin ung iniwang trust fund po nina Lolo at Lola para sa akin. Sobra-sobra pa po yon." Tugon ni CJ.
Hindi kami mayaman pero may naiwang trust fund para sa akin at kay CJ ang Nanay at Tatay ko mula sa naipon nila noong nasa Canada pa sila.
"Pero anak, that's for your future." Ani ko kay CJ.
"Precisely, My. Part naman po ng future ko ung choice ko po na sa Baguio mag-aral pati na po ung pagbili ng bahay natin doon." Paliwanag ni CJ.
For his age na 16 years old, matured na magisip si CJ, independent at matalino. I guess result iyon ng pagpapalaki namin sa kanya ng Tata Ric niya. Lagi naming sinasabi sa kanya na wag umasa sa ibang tao. If he wants to succeed, he has to persevere on his own lalo na sa studies nya. Saka matalino din naman kasi ang ama ni CJ like me. Pardon me sa pagbubuhat ko ng sarili kong bangko. Hahahaha
Kaya pag may ginusto si CJ, he would really plan for it para bago niya ako kausapin ay kaya nyang idepensa sa akin ung plano nya.
"Bakit ba naman kasi sa Saint Louis University mo pa napiling mag-aral?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ko din po mawari, My. But it's the only university po in my mind kung saan gusto ko pong mag-aral. And besides, maganda naman po ang turo sa Saint Louis at mataas din po ang passing rate nila sa CPA Board exams. As for Baguio, hindi ko din po alam, My. Remember po nung pumunta tayo sa Baguio when I was 9 years old, since then and everytime po na makikita ko ang picture ng Baguio, there's this desire in me na pumunta po doon at magstay doon. Para po bang a part of me belongs in Baguio. Yung ganoon po bang feeling." Saad ni CJ. May times na conyo magsalita si CJ na namana niya sa ama niya at may times din na lumalabas ang pagiging Bulakenyo niya sa pagsasalita ng malalalim na salitang Tagalog na namana naman niya sa akin. Fusion talaga siya namin ng ama niya syempre.
Nagkatinginan kami ni Ric dahil sa huling sinabi ni CJ. Hindi alam ni CJ na totoo naman na a part of him belongs in Baguio dahil from Baguio ang ama niya at graduate din ng Saint Louis University. OMG, ang sakit naman talaga sa bangs nitong gustong mangyari ng anak ko.
"Ano sa palagay mo, Insan?" Tanong ko kay Ric ng makita sa mga mata ni CJ ung eagerness and determination niya na tuparin ang mga plans niya at ipaglaban ang gusto niya. A part of me was hoping na kokontra si Ric pero knowing Ric, he always agrees with CJ. Masaya siya pag naibibigay ang mga gusto ng anak anakan niya. Bukod sa akin, number 1 supporter si Ric ng CJ namin sa pagtupad ng mga plano at pangarap ni CJ.
"May choice ba tayo kung doon ang gusto ng anak natin? Siya ang mag-aaral kaya it's his call. So I guess, Baguio here we come." Ani ni Ric using his baklita voice with taas pa ng dalawang kamay niya sabay wagayway ng mga ito sa ere.
"Why am I not surprised anymore?" Saad ko. Pinandilatan ako ng mata ni Ric dahil sa sinabi ko na ikanatawa ko.
Agad na lumapit si CJ sa Tata Ric niya at yumakap. "Thank you, Tata Ric, for supporting me sa gusto ko."
"As always naman." Pabiro kong saad.
“Hay, anything for you anak. Kahit na saang lupalop pa ng mundo mo gustong pumunta, keri natin yan.” Excited na tugon naman ni Ric. "Selos ka naman dyan?" Saad ni Ric sa akin.
"Hindi kaya kasi alam ko namang lalabs mo ako. Lalabs mo kami ni CJ. Pero teka. Paano ang clients ko?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Though honestly, hindi naman talaga ung mga clients ko ang dahilan kaya bantulot akong mag-Baguio si CJ. Ayoko ng balikan ang parte ng nakaraan ko na nangyari sa Baguio pati na ang mga taong parte ng nakaraan ko na ayoko ng makita pa and whom I have ran away from.
"Pwede mo naman po silang ihandle from Baguio, My.” Tugon ni CJ sa akin. "May internet naman po saka halos online naman po ang mga clients mo pati nga BIR reporting e online na din po." Nakaupo na ulit si CJ sa tabi ko. Hinawakan pa niya ang kamay ko at pinisil ito. Looking at CJ is like looking at his father. Magkahawig talaga sila. Not an exact mirror image pero mas lamang ang features na nakuha ni CJ sa ama niya kesa sa akin like yung mga mata niya, ung ilong at lips. Yung pagkamedyo kulot ni CJ ay sa akin niya namana. Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Wala na talaga akong magagawa kundi pagbigyan si CJ.
"Ganito na lang. Papayag ako sa plans mo, CJ pero hayaan nyo akong magstay dito sa Bulacan and continue my work here. Kayo na lang muna ang magstay sa Baguio ni Tata Ric mo. Pupuntahan ko na lang kayo every weekend or pag wala akong deadlines.” Ani ko.
“Pero po, My…” Tututol pa sana si CJ pero nagsalita agad ako.
“That’s my final option, CJ. May mga kailangan ang clients na hindi ko pwedeng ihandle from Baguio. You will understand my work pag naging accountant ka na din.” Paliwanag ko kay CJ.
“Kaya mo bang mag-isa dito?” Tanong ni Ric.
“OO nga po, My. You will be by yourself here po. Kakayanin mo po ba yun?” May pag-aalalang tanong din ni CJ.
"Medyo mahirap dahil mamimiss ko kayo pero ayoko namang hadlangan yang pangarap mo. Saka as if naman hindi ko pa natry na mag-isa. Di ba nag-apartment din naman ako while I was in college until noong nagrereview ako sa Manila. Every weekend lang din naman ako umuuwi dito noon or if hindi ako nakakauwi ay ikaw naman ang pumupunta sa akin." Ani ko kay Ric. "That's almost 5 years then almost 2 years sa….” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko ng marealize ko na hindi dapat malaman ni CJ iyong tungkol sa parte ng buhay ko na yon.
“2 years sa?” Tanong ni CJ.
Agad akong napatingin kay Ric. Hoping na magegets niya na need nya akong saluhin para makalusot sa muntik muntikanang pagkadulas ng dila ko.
“Ay, OO nga. Kaya ni Mommy mong mag-isa, CJ. Independent woman ang Mommy mo. Tignan mo nga she raised you well.” Pagsalo sa akin ni Ric na ikinahinga ko ng maluwag.
“Kunsabagay po.” Pag-ayon ni CJ. “Pero promise, My, pupuntahan mo po kami ni Tata Ric every weekend ha.”
“Promise, Anak. I'll go there every weekend and pag wala akong mga deadline, I would stay there longer with you.” Itinaas ko pa ang right hand ko then nagcross my heart pa ako sa harap ni CJ. Ngumiti naman si CJ at halatang masaya siya sa pagpayag ko. “Ok lang ba talaga sayo, Insan? Malalayo ka sa mga amiga mo.” Urirat ko kay Ric.
“Sus, Insan, ok ako kahit saan basta kasama ko kayo ni CJ. Keber sa mga amiga ko. Ipinagpalit ko nga ang Canada di ba para sumama sa inyo dito sa Pilipinas. Sa Baguio na lang ako maghahanap ng mga bago kong friends.” Ani ni Ric.
Tumayo ako at niyakap si Ric. “Thanks, Insan. Lalabs mo talaga kami ni CJ. Lalabs you din.” Saad ko.
Tumayo na din si CJ at nakigroup hug sa amin. “Thank you po, My. Thank you po, Tata Ric. Lalabs ko po kayong dalawa.” Malambing na sabi ni CJ.
"Lalabs ko din kayo ni Tata Ric mo, CJ." Ani ko habang nakayakap kina CJ at Ric.
“Hay naku. Wag na kayong magdramang mag-ina. Lalabs ko kayo and kasama nyo ako habambuhay.” Ani ni Ric.
“Muntik ka ng madulas kay CJ kanina.” Ani ni Ric sa akin. Kami na lang dalawa ang nasa bahay. Nagpunta si CJ sa bahay ng bestfriend niya na si Andrei.
“OO nga eh. Salamat sa pagsalo sa akin. Buti hindi napansin ni CJ ung pag change topic natin.” Saad ko kay Ric.
“Kelan mo ba balak sabihin lahat kay CJ? He has the right to know pa din kahit na hindi matanong yang anak natin. Darating ung time na magiging curious din yan tungkol sa totoo nyang father.” Saad ni Ric.
“Sasabihin ko naman sa kanya pero huwag muna ngayon.” Puno ng pag-aalangan kong tugon kay Ric. "Humahanap pa ako ng tamang tyempo."
“Kelan naman yun? Baka naman may apo ka na e hindi mo pa nasasabi kay CJ yung truth about sa pagkatao niya." Kantyaw sa akin ni Ric.
"Pwede naman." Ani ko sabay tawa.
"Luka-luka." Saad ni Ric na nakitawa din sa akin.
Kelan nga ba ako magkakalakas ng loob na sabihin kay CJ ang lahat? Kelan nga ba ako magkakalakas ng loob para ipakilala si CJ sa ama niya? Hay naku, Celine. Be fair with CJ, ani ko sa sarili ko.
"Of all places naman kasi talaga eh sa Baguio pa napili ni bagets natin mag-aral.” Nakataas ang isang kilay na saad ni Ric. Alam ni Ric ang kwento ng buhay ko at ang tungkol sa Baguio na iniwanan ko.
“Kaya nga. Hay naku. Bahala na talaga. I guess it's time para bumalik ako ng Baguio despite all the memories na tinakbuhan ko at gusto kong kalimutan dahil tinatawag na si CJ ng multo ng nakaraan ko pati ng bayan ng ama niya saka ng school nito.” Napabuntong hininga na naman ako. “Kaya kayo na lang munang dalawa ni CJ ang magstay sa Baguio. Mas lesser ang possibility na maencounter ko ang mga taong ayaw ko ng makita kung hindi ako masyadong maglalagi doon.”
“Kelan mo balak maghanap ng magiging bahay natin doon? Dahil I'm sure na kahit pa man nakakapag entrance exams yang si CJ sa Saint Louis e tiyak na makakapasa yan. Both of us knew CJ na pag gusto niya pag-iigihan niya para makuha niya yun." Ani ni Ric.
"Kaya nga pumayag na ako dahil nga kilala ko yang anak natin na yan. Walang makakapagpabago ng isip niya once na ginusto niya." Pagsangayon ko kay Ric. "Magbrowse muna ako sa internet. Ung bungalow style at medyo maluwang na bakuran ang gusto ko. Then siguro by December na nakabakasyon na si CJ or pag nagtake siya ng entrance exams e saka natin puntahan para next year paunti unti makumpleto na natin yung mga gamit nyo at maging ok na ung bahay. Bago pa magstart ung klase ni CJ eh settled na at nakaayos na lahat sa magiging tirahan nyo doon."
"Mukhang need din natin bumili ng isa pang kotse para may magamit kami ni CJ pag nasa Baguio na kami. Yan na lang ginagamit mo ang sa amin ni CJ. Tutal kakabili mo lang din naman nyan. Ung bagong bibilin mo, un ang maiwan sayo dito. Might as well SUV na bilin mo para may lalagyan ng mga gamit dahil from the way I see it, weekly or every other week ka pupunta ng Baguio." Saad ni Ric.
"Paunti-unti turuan na nating magdrive si CJ para makakuha siya ng student license then pag nag 18 na siya e non pro na." Tugon ko naman. Hinawakan ko ang kamay ni Ric. "Insan, maraming salamat ha dahil andyan ka para sa amin ni CJ. Hindi mo kami iniwan. Hindi mo ako iniwan."
"Sus, wag ka ng magdrama dyan. Di ba nangako ako sayo, kina Tito at Tita na anuman ang mangyari, hindi ko kayo papabayaan at hinding-hindi ko kayo iiwan ni CJ. Ayokong multuhin nina Tito at Tita, no." Tugon naman ni Ric habang nakahawak na din sa kamay ko. "Saka kahit na mahanap pa kayo ni CJ ng mga taong ayaw mong makita at bumalik man sila sa buhay nyo ni CJ, hinding hindi ako mawawala sa tabi nyo."
"Nakakainis ka. Ok na e binanggit mo pa ung nightmare ko. Don't say bad words, Insan." Ani ko na tinawanan lang ni Ric.