JOAQUIN’S POV:
Nagising ako na ako na lang mag-isa sa Hotel at wala na ang babaeng kaniig ko kagabi. Damn it! mukhang naparami ako ng inom!
Nag shower ako at nagbihis. Akmang paalis na ako ng kwartong iyon nang mapansin ko ang kulay pulang mantsa sa puting bedsheet. That woman from last night. It was her first time.
Napailing na lang ako. How can she do that to herself? wala man lang ba siyang respeto sa sarili niya at basta-basta niya na lang ibibigay ang virginity niya kahit kanino? She doesn't even know me.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang bodyguard ko na si Alex.
“Hello, Alex? nasaan ka?”
“Boss, sorry hindi na kita nasundan pa kagabi, hindi ako makaalis dito sa inutos niyo sa akin eh may mga kailangan pa palang ayusin at pirmahan eh nagde-demand po yung client na kayo daw dapat ang makipag-coordinate sa kanila.”
“Ayos lang, sige, ako na ang kakausap sa mga yan.”
Napatingin ako sa salamin at nakita ang nakasulat na numero doon gamit ang lipstick.
Kinopya ko iyon at sinave sa contacts ko. Mukhang gusto niyang magkita pa kami ulit.
Ngayon ang unang araw ng pasok ko bilang bagong CEO ng Dela Vega Corp. Ipinahawak na sa akin ni daddy ang kumpanya dahil masyado na siyang matanda sa ganitong klaseng responsibilidad.
Apat kaming magkakapatid. Si kuya Samuel, ang kambal kong ate na si Neri at Noreen at ako na bunso. Kaya wala akong choice kundi sumunod kay daddy. Meron naman kaming mas nakatatandang kapatid. Si ate Rosenda na nag-iisang ampon ni daddy Joaquin ngunit may sarili itong negosyo at may pamilya na rin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na aasawahin ni ate Rosenda ang tiyuhin namin na si Wade. Bagama't hindi naman tunay na kapatid ni Daddy Joaquin si Wade ay itinuring niya na itong kapatid. Sadyang napakahiwaga ng pag-ibig. Hindi mo alam kung kanino dadapo at kung saan mo mahahanap.
Ayaw hawakan ni kuya Samuel ang kumpanya sa hindi ko malamang dahilan. Kuntento na siyang maging haciendero at alagaan ang mga hayop at mga halaman dito sa Casa Joaquin.
It's a good thing though. At Least may katuwang si mommy sa pag-aalaga dito sa lugar.
Ang dalawa ko namang kambal na kapatid na babae ay mga nagsipag-asawa na rin kung kaya't wala na talagang ibang hahawak ng kumpanya kundi ako.
Sinubukan ni ate Neri na hawakan ang kumpanya noon ngunit nabuntis naman siya kung kaya't iniwanan niya rin ang posisyon bilang CEO.
And now this is it. It's my time. I don't know where I’m going anyway but here I am.
Papasok na ako sa lobby at naroon na ang mga bagong staff at nagtipon-tipon para i-welcome ako. Napailing ako. Ayoko ng ganitong VIP treatment. Nakakailang.
Naglakad na ako sa lobby ngunit hindi ko inaasahang makikita ko doon ang babaeng hinahanap ko. She was the girl from that night. Anong ginagawa niya dito? Is she working for me? Interesting.
“Alex, can you give me the CV of the newly hired employees?”
“Yes, Sir. Here.” saad ni Alex na ibinigay sa akin ang folder.
Kaagad kong binuklat iyon and… binggo! Her name is Rosaline Suarez. 27 years old.
I can't believe that she's an engineer. Wala sa itsura.
“Alex, can you do a background check about this girl? I want to know everything about her.” saad ko kay Alex na itinuro ang litrato ni Rosaline.
“May I ask why? Sir?”
“It's none of your business, Alex, just do it. Okay?”
“Yes, Sir.”
Sandali ko pang tinignan ang litrato niya.
Rosaline Suarez. Could it be fate to meet you? or a big disaster?