MARIE’s POV Pag-akyat ko sa kwarto ko, pagpihit ko ng seradura, at pagsara ko ng pinto doon na tuluyang bumigay ang tuhod ko. Sandali akong nakatayo sa likod ng pinto, dumausdos ako na tila naubusan ng lakas. Bumalong ang masaganang luha sa aking mga mata. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Halos hindi ma proseso ang utak ko ang nangyari at sa maling desisyon kong iyon. Tumayo ako at humakbang sa gitna ng aking silid pero tumigil rin ako. Walang kagalaw-galaw, hawak ang strap ng bag ko na parang iyon na lang ang natitirang matibay sa akin. Pumikit ako ng mariin at tumingala. Parang sinamyo lahat ng hangin sa aking silid para kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Pero bigo ako. Lalong naramdaman ko ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Pagharap ko sa salamin, parang hindi ko

