MARIE’s POV Sa ikatlong araw, parang may pinatay sa loob ko. Matapos akong pahirapan ni Ninang Elviera. Umalis siya ng bahay dahil alam niya ngayon darating si Ninong Cav. Bumangon ako. Napangiwi pa rin ako sa sakit pero tiniis ko iyon. Papasok ako sa university dahil dalawang araw na akong hindi nakapasok. Mabilis akong naligo, at nagbihis ng aking uniform. Dali-dali akong bumaba at lalabas na sana ng mansyon ng biglang tinawag ako ni Inay Belen. Siya ang nagpalaki sa akin. “Marie.” Napatigil ako nang hindi lumingon sa kanya. Ayokong makita niya na namamaga ang mga mata ko. “Po?” Tipid kong sagot. Parang ipinako ang aking mga paa sa sahig. Naririnig ko ang yabag niya papalapit sa akin. Napayuko ako ng nasa harapan ko na siya. “Dalawang araw kang hindi lumabas sa silid mo? Sabi ni Ma'

