MARIE’s POV PARANG HIMATAYIN ako sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Para maibsan sakit. Pero lalong lumala ang sakit na nanalaytay sa buong katawan ko particular sa ulo ko. Marahas niya akong binitawan at sumadsad ako sa sahig. Tumama ang kanang pisngi ko sa sahig at parang nag crack ang cheek bone ko. “Please po, tama na po…” Naiiyak kong pagpigil sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niyang ipinukol sa akin. “Tama na?” Patanong niya, nakataas ang kilay, at ang bawat pantig ay parang may talim. “Hindi mo ako madadaan sa iyak mo, Marie.” Patuyang komento niya, pero mas nakakatakot ang boses niya na sobrang kontrolado. Parang sanay siyang manakit nang hindi tumataas ang tono. Parang ang galit niya, walang kasing lamig ng yelo. “Lahat ng ito,” dugtong niya, mas mababa

