ELENA POV "Ang baduy, Elena pero bahala ka na sa trip mo. Tara at kumain ka na? Di ba, at home na at home ako dito sa loob ng house n'yo? Close na nga kami ng mama mo, as a matter of fact, nag chikahan pa kami kanina and I promised na pupunta ako ulit dito next time." "I am so happy for you, sige na kumain na tayo!" I said. Lumabas na ako at nagsalo kami ng dalawa kong kaibigan sa mesa. Masarap ang niluto ni mama na almusal, ang paborito kong sinigang na may saging pang laman. Sa sabaw pa lamang nito ay nakaka takam na. May soft drink pang kasama at may cake na desert pang himagas. And the fact that there are only the three of us here, ang lakas nitong maka throwback sa bar namin kahapon. At naalala ko kung paano sila nag laho at iniwan akong mag isa. "Hoy kamusta nga pala ang mga

