Pagkalipas ng apat na araw na paglalakbay ay nakarating ang mag-asawa sa bayan ng Sektra ng mag-uumaga na.
Ang bayan ng Sektra ay maaliwalas at malamig ang simoy ng hangin siguro ay dahil sa maraming punong kahoy sa paligid, mga maga gandang bulaklak sa gilid ng daan at mga trabahador na nagta trabaho sa di kalayuan mula sa kalsadang kanilang pinagtatayuan.
Lumakad pa ng kaunti si Ben habang akay akay ang kalesa na kung saan ang bata ay natutulog.
Ilang minutong paglalakad ay nakarating sila sa isang maliit ngunit simpleng bahay kubo. Ang bahay kubo na ito ay gawa sa mga kawayan at dahon ng anahaw naman ang nagsisilbing bubong nito.
Sa bandang kanan ay makikita ang nakaka hilirang mga punongkahoy na namumunga tulad ng Mangga, Abukado, Mansanas, Dalandan, Lansones, Langka, Makopa at mayruon ding puno ng Bayabas.
Sa gilid nito ay mayruong nakahilirang mga pinya na may mga bunga at ang iba ay malapit ng maluto. At ilang metro ang layo ay makikita ang iba't-ibang gulay at mga puno ng saging.
At sa bandang kaliwa ay mga halamang gamot o mga herbal na maaring magamit kung kinakailangan.
Mayruong hindi kalakihang pantay na mga bato na kulay puti at nagsisilbing daanan papunta sa bahay kubo at sa gilid nito ay mga rosas na namumulaklak na may ibat- ibang kulay may pula, dilaw, berde, lila,puti, pink and orange with different sizes.
Sa likod bahay ay may kulungan ng mga manok at itik, at sa bandang unahan ay balon kung saan sila kumuha ng tubig.
Sa loob ng bahay ay si Anna, kapatid na babae ni Ben at siya ang namamahala dito. Habang kumakin ng hinog na mangga at naghihintay na maluto ang kanyang nilulutong tinolang manok ay naririnig niya na tumahol ang kanyang alagang aso na si Buyog kaya dali dali siyang lumabas at nakita niya ang kanyang kapatid na lalaki at ang asawa nito.
Ang kapatid ko? ano at naruruon sila dito?
nagtatakang tanong niya sa sarili habang sinasalubong ang kapatid. Nang makarating siya ay tinanong na niya ito.
Kuya, Ate, ano at nandiito kayo?
Kumakaylan lang at nandito kayo ah. Masyado niyo ba akong na miss at nandirito kayo? kung oo ay tamang tama at tapos na akung magluto ng ti---
Naputol ang dapat sasabihin sana ni Anna ng makita niya ang kanyang kuya na may kandong na batang babae at puno ng mga pasa ang katawan nito.
Sino siya kuya? anong nangyayari sa kanya?
Gulat na tanong niya sa kanyang kapatid habang tinutulangan si Lorna sa mga dala nito pababa ng kalesa.
Mamaya ka na magtanong Anna. Hala sige na at papasok na kami dahil pagod na pagod pa kami sa paglalakbay at paniguradong gutom na ang ate Lorna mo.
May makakain ba sa luob ng bahay?
Oo kuya, may mga hinog na bunga ng magga at abukado dun. Tamang tama naman at may lutong kanin na at malapit ng maluto ang tinolang manok. hinintay ko nalang na maluto yun. Sige na kuya pumasok na kayo duon at ako na ang magtatali nitong kabayo ninyo.
Mabut pa nga, Salamat Anna. Hihintayin ka namin ruon.
Pagkatapos niyang maitali ang kabayo sa puno ng mangga ay agad siyang pumanhik sa luob ng bahay.
Duon ay nakita niya ang asawa ng kapatid na may pinapainom sa biig ng bata na tila kulay dilaw.
Ate ano yang pinapainom mo sa kanya? Hindi pa ba yan gigising? Nasaan ang kanyang mga magulang at bakit niyo siya dinala dito. Naku ate ha, baka ikapapahamak niyo yan.
Tama ka Anna, ikakapahamak nga namin ito ng kuya Ben mo ngunit mayruon kaming malalim na rason kung bakit namin ito ginagawa. Suba---
Ano?!! ate naman nag-iisip ba kayo ni kuya? Matanda na kayo bakit niyo ba ginagawa ito? Alam ko namang sabik na kayo sa anak at sabi ko naman sainyo ni kuya na ako nalang ang gagawin niyong anak e.
Maganda naman ako, mabait, masipag, matulungin pa. Oh at saan kapa?
kaya ang mabuti pa ate, ibalik niyo na yan ok po.
Humihingal na sabi ni Anna, ngunit agad iyong nawala ng makita niyang ngumiwi ang kanyang Ate Lorna, tila ba hindi naniniwala sa kanyang mga sinabi.
Magsasalita pa sana ito ngunit agad niya itong pinigilan bago pa man may salitang mamutawi sa nakbuka nitong labi.
Hephep... Ate ha teka lang naman hindi pa ako tapos magsalita. Ano at puma----
Anna Marie Bravelight!!!! natahimik siya ng marinig ang sigaw ng kanyang kuya. Kung mayruon siyang kinakatakutan iyon ay ang kanyang kuya.
At ngayon ay dahan dahan siyang lumapit at tumabi sa ate Lorna niya lalo pa at buong pangalan niya na ang tinawag na kanyang kuya. Palatandaan ito na galit na ito.
ahhhh.... hehehe... ku--- kuya? Bakit po?
Inosenti at nanginginig na tanong niya sa kapatid. Napatikhim siya at hilaw na ngumiti dito.
Bakit hindi mo muna patapusing magsalita ang iyong ate? Sino ba ang mas matanda sainyo ha?
Kuya naman, may sakit kaba at nakalimutan mong mas matanda ka sa akin at asawa ka ni ate Lorna kaya malamang na mas matanda siya sa akin. ikaw naman kuya.....
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil pinandilatan na siya nito ng mata. Malamang kung wala lang itong hawak hawak na pagkain ay malamang nakatikim na siya dito ng batok.
Ayyy.... salamat naman at may bitbit si kuya sa kamay niya kaya hindi niya ako mabatukan. Masakit pa naman iyon. sabi pa niya sa isip at tumatango. Agad din iyong nawala nang marinig ang tikhim ng kapatid, kaya ayon at nanginginig na naman siya.
Ang batang iyan ay nagmula sa kaharian ng Freyas at di namin alam kung sino at kung ano siya.
Alam lang namin na taga duon siya dahil sa kanyang damit na suot. Natitiyak namin na mapapahamak ang batang iyan kung matatagpuan siya ng mga taong naghahanap sa kanya.
Teka lang kuya ha, kung nanggaling siya kaharian ng Freyas, Malamang na makapangyarihan sila. Kaya bakit naman siya pagmamalupitan ng ganyan at ano ang dahilan? naguguluhang tanong niya sa kanyang kapatid.
Hindi namin alam Anna. Sagot ng kanyang ate Lorna.
Hindi na nito snabi kay Anna ang lahat at tumingin na lamang sa asawa at agad naman siya nitong naintindihan at tumango na lamang ng bahagya.
Alam ni Anna na may kulang pa, pero ayaw niya nang magtanong pa dahil natatakot siya sa awrang pinapakita ng kanyang kuya.
Basta tandaan mo Anna, siya ay mahalagang tao na dapat nating ingatan at alagaan. Siya lang ang makakatulong sa atin sa hinaharap, maliwanag ba?
Opo kuya. Sumusokong sagot niya kahit na may gusto pa siyang itanong dito.
Mabuti kung ganuon. O siya na maghain kana at kakain na tayo. At kailangan na naming bumalik agad bago may makahalatang umalis kami. Basta tandaan mo lang ang mga bilin namin saiyo Anna.
Kung magising siya at wala siyang matandaan na kahit ano, kailangan mong sabihin na anak mo siya at dsapat na ituring mo siyang anak Anna. Alam nating lahat mas lalo na ikaw kung gaano ka kasabik higit pa sa amin mula ng manyari ang aksidenting iyon.
Sa narinig ay tila nanghihina si Anna. Isang dekada na ang nakalipas ngunit sariwa parin sa kanyang isip ang trahedyang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya na nagdulot ng pagkamatay ng kanyang asawa at anak na babae.
Sa isiping iyon ay unti-unting tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Nang makita iyon ni Ben ay nahahabag siyang tumingin sa kapatid at naawang niyakap ang kapatid.
Paumanhin Anna, Hindi ko sinasadyang banggitin pa iyon.
Ok lang kuya, naintindihan ko. Maasahan mong walang may makaka alam nito. Ituturing ko siyang anak na nagbalik na. Alam nang lahat na may anak ako nuon at wala silang ka alam alam na namatay na ito kaya walang magduda na hindi ko siya anak.
Iingatan ko siya't alagaan tulad ng isan tunay na ina.
Maraming salamat Anna.
Pagkatapos ay may binigay itong kwentas sa kanya.
Ibigay mo iyan sa kanya ana sa kanyang ikawalong kaarawan o kung hindi pa nakarating sa kanyang kaarawan at bumalik ang kanyana alaala ay ibigay mo at nandyan lahat sagot sa kanyang mga tanong. Maasahan ko ba iyan Anna?
Dahil sa oras na bumalik kami duon ng ate Lorna mo, natitiyak kung saliksikin kami ng mga kawal duon dahil may naiwang bakas ang ate mo ng di sinasadya sa pinangyarihan at di namin alam kung ano ang mangyayari sa amin.
Sa narinig ay gulat na napasinghap si Anna. Hindi niya matanggap ang maaring mangyari sa kanila.
Hindi maari kuya, Ate. Paano na ako? Parang hindi ko yata makaya kuya.
Kayanin mo Anna.Para sa amin, sayo at sa kapakanan ng lahat.
Walang magawa si Anna kundi tumango at tanggapin ang lahat. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na ang mag-asawa at naiwan ang bata sa puder ni Anna.
Pumasok siya sa luob ng kwarto at nakita niya ang napakagandang bata. Naalala niya nag bilin sa kanya ng kanyang ate Lorna na hindi maaaring malaman ng lahat kung gaano kaganda ang bata at dapat niyang gawan ng paraan kung paano maging isang normal ang bata na hindi lumalabas ang natatangi nitong ganda.
Pagkatapos suklayin at bihisan ang bata ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay at di sinasadyang mahulog niya ang babasaging baso kasabay nuon ang tila malakas na tambol ng kanyang dibdib at parang hinahati siya sakit na nararamdaman. At batid niyang may hindi magandang nangyari sa kanyang kapatid at sa asawa nito.
Ang kawawang kuya't ate ko. Umiiyak na sambit nito at napadausdos nalang pababa at nakatulala sa labas habang pinapangako sa sarili na tutuparin niya lahat ng inihabilin ng kanyang kapatid na lagaan at protektahan ang bata.
Kung kayang ibuwis ni kuya ang kanilang mga sarili para sa batang ito maaring ngang siya ang susi para sa aming kaligtasan.
Sa kabilang dako naman ay natunton nang mga tauhan ng kaharian ang mag-asawa at pilit nila itong pinapahirapan at pinapa amin kung ano ang nilalaman nila subalit naging matatag ang mag-asawa na naging resulta nang kanilang kamatayan.
Habang nakatulala sa gilid si Anna ay nakita niyang lumabas sa pintuan mula sa kwarto ang bata, kinukosot pa nito ang mga mata.
Nang makita siya ay biglang nanlaki ang mga mata nito at agad na rumihistro ang takot sa kanyang mukha. Kung nasa ibang sitwasyon lang siguro si Anna ay paniguradong pagtatawanan niya ang reaksyong ito ng bata.
Napakaganda ko namang nilalang para lang katakutan ng batang ito aniya sa isip. Kahit nanghihina ay nagawa niyang ngumiti sa bata.
Anak, gising kana pala.
Nagugutom kaba? nauuhaw? anong gusto mong kainin?
Tanong niya sa bata, subalit makikita ang pag alinlangan nito ay bumuka ang bibig nito ngunit walang kahit anong salita ang namutawi sa bibig nito.
Kaya dahan dahan siyang lumapit sa bata.
Ok ka lang ba anak?
Anak? kayo po ang aking ina?
Oo, ako nga anak. May masakit ba sayo?
Marahang tumango ang bata at agad na sinabi na masakit ang katawan nito't nagugutom.
Nagugutom po ako at masakit po ang aking mga katawan. I...Ina..
Ngumiti siya sa bata at inakay ito papunta sa hapag kainan. Binigyan niya ito ng pagkain at dalawang pirasong mangga at mansanas.
Ano po ang nangyari sa akin ina? bakit wala po akong maaalala?
Ito ang tanong ng bata habang kumakain.Pinag-isipan noiyang mabuti kung ano ang dapat niyang sabihin sa bata.
Ang hirap naman nito oh, di pa nga ako naka move on sa nangyari kay kuya ito na naman ako gumagawa nang kasinungalingan, pero di bali para rin naman ito sa kapakanan ng lahat at higi kanino man, ay sa kanya.
Ganito kasi yun nak, Pupunta kasi tayo dapat sa bahay ng kapatid ko dun sa kabilang bayan subalit nung kailangan na nating tumawid sa ilog ay di sinasadyang nadulas ka at nabagok I mean nauntog yung ulo mo. Paliwanag niya sa bata.
Ngunit ina kung nadulas lang po ako at nauntog yung ulo ko, eh di sana po yung ulo ko lang po yung masakit at hindi po buong katawan ko.
Ah eh kasi naman anak pagkatapos mung mauntog sa malaking bato ay tumayo ka at dahil nga nahihilo kapa ay bumagsak ka sa mga batuhan kaya ganuon.
Bumagsak po pala ako sa batuhan? nakadapa po ba ako o nakatalikod nang bumagsak ?
Hilaw siyang ngumiti at sumagot ng, 'Nakadapa ka nang bumagsak nak'
Kung ganuon po inay bakit po masakit yung likod ko at parang may mga sugat?
Pambihirang bata to oh di manlang ako na inform ni kuya na pala tanong pala to. Sabagay na rescue lang pala to nila kuya kaya wala rin silang idea. Sa kaiisip niya ay di niya manlang nalalaman na matagal na pala siyang nakatulala kung hindi lang siya kinalabit ay baka kung saan saan na naman napunta ang kanyang isip.
Ah yun ba nak, nang bumagsak ka kasi nawalan ka nang malay kaya binuhat na lamang kita at isinampay sa likod ko. Ngunit di nagtagal ay natumba ako at nabitawan kita ulit kaya sumabit ka sa sanga ng kahoy ang likod mo kaya ka nagkasugat.
Nang tingnan niya ang bata ay parang di pa ito naininwala kaya nginitian niya ito ng may pagkatamis at sinabing,
'hayaan mo na nak ang mahalaga ay nakauwi tayo ng maayos sa bahay okay ba?'
Ang akala niyang tapos na sa pagtatanong ang bata ay nagkakamali siya.
Ngunit bakit po hindi ako nakapag alala nang kahit ano?
Eh baka bunga iyan ng pagka untog mo nak.
Ganuon po ba ina? Sige po, maraming salamat po.
Walang anuman nak, oh sige pa nak, gusto mo pa bang kumain?
Opo ina.Gusto ko po nitong mangga tapos itong tinola niyo po. napakasarap po ina.
Ngumingiting pahayag ng bata. Nagpakawala naman ng buntong hininga si Anna at masuyong tiningnan ang bata.
Sheena... mahinang usal niya sa pangalan ng namatay niyang anak.
Sheena? sino po iyon ina? Pangalan ko po ba iyon?
Oo anak, ikaw si Sheena, ikaw na ngayon si Sheena at miss na miss na kita nak.
Si ina naman nagbibiro pa, umalis po ba ako nang matagal at ngayon niyo lang ako nakasama? para po kasing kaytagal kung nawalay sa inyo eh.
Ngumiti lang siya ng bahagya at tumango sa bata. Oo nak, subrang tagal magmula nang umalis ka at nagagalak ako na sa muli ay nakapiling na kita.
Hayaan niyo po ina, simula ngayon ay nangangako po akong babawi po ako sainyo kaya wag na po kayong malungkot jan ina.
ngumingiting sabi ng bata kaya napangiti na rin siya.