Pagkatapos kumain ay naligo na si Sheeba at bumihis ng isang maluwang na T- Shirt at pantalon, nagsuot ng sapatos bago nag pa alam sa ina na papasok na sa bahay na bato.
Habang naglalakad ay napapansin niya na tila bumabati sa kanya ang bawat puno o halaman na kanyang dinadaanan. Ang mga puno ay gumagalaw kahit wala namang hangin at hindi lang iyon maging ang mga ibon na kaninana ay nagliliparan sa malayo ngayon ay tila sumasabay sa kanya habang may mga paro - paro naman na nakadapo sa mga bulaklak sa daanan.
Nagtataka man dahil para siyang binabati ng mga ito ay ipinag walang bahala na lamang niya, ngunit hindi naman siya nakatiis at tila may nag - uudyok sa kanya na bumati kaya tumigil muna siya sa paglalakad at kumuway na parang may nakikitang kaibigan sabay sabi ng , salamat sa inyo at magandang umaga. Pagkatapos niyang sabihin ay umingay ang mga ibon at ang mga puno at halaman naman ay gumagalaw bago nag - aalisan ang mga ibon at paro - paro na kanina lamang ay napakarami.
Anong hiwaga! nakaka mangha naman. wika niya sa sarili at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang makarating siya sa bahay na bato ay nakayuko siyang pumasok dahil pansin niya na nasa kanya ang tingin ng kanyang mga kasamahan.
Oh Ena, kumusta kana, ok kana ba?
Tanong sa kanya ng isa niyang kasamahan pagka upo niya sa upuan. Nilingon naman niya ito at binigyan ng tipid na ngiti bago sumagot.
Ah ok na naman ako. Salamat sa pagtatanong. Matipid niyang sabi habang gumagala ang kanyang mga panigin upang hanapin si Lira. Ngunit wala siyang makitang Lira sa luob ng kanilang bahay klasehan sa halip ay ang isa nitong kakambal na si Kira na nag- uusap sa mga kaibigan nito habang tumatawa.
Ang iba naman niyang kaklase ay may ibang ginagawa, mayruong nagbabasa ng libro, nag - uusap at ang iba ay nagpapakitang gilas ng kanilang mga kakayahan.
Napansin siguro ni Kira na may katagalan niya itong tinitingnan kaya lumingon ito sa kanya na naka simangot at salubong ang mga kilay nito habang tinitingnan siya ng masama.
Anong tinitingin tingin mo jan Ena? Naiinis na tanong nito sa kanya. Sumabay naman sa paglingon ang mga kaibigan nito kaya para siyang aatras at gusto na lamang niyang lumabas ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.
Ahmmm... Gusto ko lang sanang tanungin ka kung nasaan ang kakambal mo, gusto ko sanang magpasalamt sa kanyang ginawa sa akin nuong nakaraang araw. Pa utal utal at kinakabahang wika niya rito.
Kung hinahanap mo ang kakambal ko pwes wala pa siya rito mamaya pa yun papasok. Hintayin mo na lamang at pwedi ba, kung maari ay huwag mo na akong tingnan! Naiinis kasi ako sayo, Kaming lahat actually dahil sayo kaya napaparusahan kami nuong nakaraang araw ni Tandang Orak.
Galit na saad nito ng ma alala ang takot na dinanas nila sa kamay ng kanilang guro.
Pasensya na kayo, hindi ko naman sinasadya iyon. Humihinging paumanhin niya sa mga kasamahan. Nang iikot niya ang paningin ay ibat - ibang mukha ang nakikita niya sa mga mata nila. Ang iba ay ngumingiti habang tumatango sa kanya tanda na ok lang sa kanila iyon at ang iba naman ay tila galit sa kanya at nakasimangot habang tinitingnan siya.
Anong magagawa ng Pasensya mo kung tapos na at naparusahan na kaming lahat. May galit na sabi ni Rokit sa kanya.
Sasagot na sana siya ngunit natigil iyon ng pumasok si Tandang Orak.
Tumigil naman sa kasasalita ang kanyang mga kasamahan at tila dinaanan ng isang maharlikang tao sa sobrang tahimik.
Magandang araw sa inyong lahat, ngayon ay ang inyong pagsusulit at dito niyo patutunayan kung nararapat na ba kayong nakapasok sa Akademy ng Mahika o hindi pa. Nuong nakaraang araw ay nag - uusap kami ni Tandang Ilaw at ng Punong Guro ng paaralan na maari ng makapasok ang isang bata na ang edad ay mula sampu pataas. Dati ay dapat kailangan mo munang maka tuntong sa edad na kinse pataas bago makapasok ngayon ay iba na. Isa ring dahilan ang inyong mga kakayahan, dapat alam niyo kung ano ang dapat niyong gawin at kung saan lang ang maari ninyong gamitin. Dahil pagdating duon ay duon niyo lamang ipapamalas ang kakayahan niyong taglay. Ma awtoridad at strikto nitong wika habang gumagala ang paningin sa kanila.
Wala paring imik ang kanyang mga kaklase at tila mga mababait na bata sa kanilang mga magulang. Sa sobrang tahimik ay nagulat pa sila at napa piksi ng malaglag ang libro ng isa nilang kasamahan. Tiningnan naman ito ng kanilang guro na naging sanhi ng unti - unting pagkawala ng kulay sa mukha nito.
Tumikhim naman ang guro at sinabing huwag silang masyadong seryoso dahil hindi naman siya galit.
Ahm!!! Ano ba ang inyong mga reaksyon at tila kayo naka kita ng ahas na mag tutuklaw sa inyo. Hindi ako galit sa inyo, subalit nais ko lang sabihin na ang ginawa ko sa inyo nuong nakaraang araw ay desiplina upang ipa - alala sa inyo na hindi niyo dapat gawin sa iba ang hindi niyo matanggap na gawin din ito sa inyong mga sarili.
Paliwanag ng kanilang guro sa mga bata na unti - unti ng nawawala ang takot sakanilang mga mata.
Ngunit tandaan niyo rin na hindi kami tumitigil sa pag saliksik kung sino ba talaga ang gumamit ng apoy upang saktan si Ena. Kaya ikaw Sheena, kumusta kana?
Bahagya namn siyang nagulat sa guro kaya pa utal naman ulit siyang sumagot.
Ahmmm... maayos na po ang aking paki... ram..dam g..gu..ro.. Salamat po sa inyong tulong. Habang sinasabi iyon ay pahigpit naman ng pahigpit ang hawak niya sa kanyang damit.
Nakakatakot naman si guro, aniya pa. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sa akin na naman ang galiut ng aking kasamahan. Eh ako lang naman ang dahilan kung bakit sila pinarusahan.
Mabuti kung ganuon, ngayon ay magsanay na kayo dahil bibigyan ko lang kayo ng ilang minuto upang sanayin pa lalo ang inyong mga kakayahan. Matapos ang oras ni ibinigay sa kanila ng kanilang guro ay pinabalik na sila sa kani kanilang upuan, ngunit ng mapansin niya wala parin si Lira ay naglakas luob siyang magtaas ng kamay.
Ahmmm... Guro, wala pa po si Lira, kung mag - uumpisa po tayo na wala siya ay sayang naman po kung hinsi siya makakapasok sa Akademya. Mahinang wika niya sa guro.
Hayaan mo siya kung ganuon, maati naman siyang umatend sa pagsusulit na ito dahil mayruon lang akong impoirtanteng ipina pa asikaso sa kanya. Ano pang hinihintay niyo dali na at mag si kilos na kayo dahil ang unang pangalan na sa sasambitin ko ay ang mauuna sa pagsusulit, Maliwang ba sa lahat?
Opo guro, maliwanag po. Sagot ng mga bata na kahit kinakabahan man ay determinado paring makapasa sa pagsusulit upang makapasok sa matagal na nilang hinahangad na paaralang Akademya ng Mahika.
Kung gayun tara na sa labas dahil sa luob ng gym gaganapin ang inyong pagsusulit.
Ang unang pangalan na sasambitin ko ay si..... Licse,.
Licse pumasok kana sa luob ng bilog na ito at ipakita ang kakayahang taglay mo. Tandaan mo na hindi ka pweding lumampas sa pulang bilog na ito.
Pumasok na nga si Licse ay inumpisahan na ang pag pakitang gilas nito....