ANDREI'S POV Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Thaddeus. "Aha! May tinatago ka palang sikreto ah?",tinutukso ko lagi ito dahil napakaseryoso nito. Hindi manlang makangiti lalo na kapag madaming tao. Pinaglihi talaga sa sama ng loob. Alam kong matagal nang may gusto si Samantha sa kanya na kaibigan ni Althea. Lagi nya itong sinusundan kahit dito sa ospital. Minsan nga ay natatawa na lang ako dahil pinapamalita nito na boyfriend nya si Thaddeus na hindi naman. Kaya inis ang kaibigan ko sa dalaga. Pero bilib na ako kay Samantha ngayon dahil nagtagumpay ito sa panliligaw sa kaibigan kong masungit. Pareho sila ng mahal kong masungit. "Huwag nga ang personal kong buhay ang pag-usapan natin. Sabihin mo na lang kung anong gagawin ko,I mean namin ni Samantha para matulungan ka.",wika nito na hal

