High School Days
Ako nga pala si Althea Smith.Nasa 4th year high na.Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong sina Samantha at Hikkaru.Kakatapos lang ng second subject namin kaya papunta kami ngayon sa canteen para kumain ng merienda.
Pagpasok namin sa canteen nakita namin sa isang table sa dulo ang grupo nina Fritz.Nakita nila kami at napansin naming may binulong si Fritz sa mga kasama nya.tatlo silang babae at may kasama silang tatlo ding lalake.sina Fritz at mga kasama nitong lalake ay mga classmates namin sa poetry.
Ewan ko pero inis talaga ako sa babaeng yun dahil napaka landi.Halata kasing nilalandi nya si Andrei.
Halata ding gustung-gusto naman ng lalaki na nilalandi sya ni Fritz.Lagi kasing nakabuntot sa babae ang lalaki.
Hindi ko maintindihan bakit kapag nakikita ko sila ay lagi akong naiinis.Wala naman akong gusto sa lalaki.Lalo pa at madami ang nakakaalam na myembro kaming magkakaibigan ng Man Haters Club.
ILag samin ang mga boys sa school dahil alam nilang naiinis kami sa kanila.Para saming magkakaibigan,ang mga lalaki ay inferior samin.May time pa na may nanligaw saming tatlo at pinagtawanan lang namin.Kaya magmula nun,hindi na kami nilalapitan ng mga boys dahil alam nilang mapapahiya lang sila samin.Kahit sa loob ng classroom wala ding nakikipag-usap saming tatlo.
ALTHEAS POV
Sabado ngayon at papunta ako sa mall.May bibilhin kasi akong bagong labas sa market na beauty products.Pinahatid ako ni daddy sa aming driver sa mall na pag-aari ng mga parents ko.Yes mayaman kami,as in sobrang yaman.My father is a business tycoon .Isa sya sa pinakamayamang business man sa bansa.Ako ang nag-iisang unica hija nila mama at papa.Sabi nila pagkagraduate ko daw sa college ay ako na ang magpapatakbo ng mga negosyo namin.Pero walang nakakaalam nito dahil ayokong madaming makipagkaibigan sakin na pera lang ang dahilan.Ok nako sa dalawa kong kaibigan.Atleast sila ay tunay.Wala din silang pakialam sa status ko.
Si Samantha ay galing din sa mayamang pamilya.Si Hikkaru yata ang naiiba dahil sya ay working student.Wala na syang mga magulang dahil iniwan sya ng kanyang nanay at lumaki sya sa kanyang lola.
Naglalakad lakad muna ako sa mall at natingin tingin narin kung may mga new arrival na damit.Mahilig akong magshopping,pero window shopping nga lang.Kahit pa pinanganak akong mayaman ay pinalaki akong marunong maghawak ng pera.Kuntento nako sa mga binibigay lang saakin ng parents ko.Hanggat may sinusuot ako ay ayokong bumibili ng bago.Kaya hindi halata sa itsura ko na myaman ako.Dagdag points na lang yun sa ganda ko.Kahit pa kasi simple akong manamit ay nalutang parin ang angking kagandahan dahil sa maputi ako at medyo maypagka fierce ang mukha ko na bumagay naman sa character ko.Kaya malaki talaga ang confidence ko.
Pagkatapos kong bumili ng mga beauty products ay bigla akong nagutom.Pumasok ako sa isang pizza restaurant para magmerienda.Umorder ako ng isang slice ng Hawaiian pizza,isang carbonara at isang iced tea.
Dipa ako nakakalahati sa kinakain ko nang mapansin ko na parang may nakatitig sakin.Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nagulat ako dahil nakita ko si Andrei na nakatitig sa akin.Feeling ko kanina pa nya ko tinitingnan mula sa mesa nya.Kumakain rin ito ng pizza.At ang animal kinindatan ba naman ako.The nerve!.Inirapan ko sya at tinaasan lang ng kilay.
Tapos na kong kumain.Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang may tumikhim sa liguran ko.Tiningnan ko kung san nagmula yun at laking gulat ko nang makita ko si Andrei na nasa harapan kona.
"Ahem".parang nag-aalis sya ng bara sa lalamunan.
"Hi classmate.Nandito ka rin pala".sabi nya sa baritonong boses.
"Uhm excuse me,do i know you".pagmamaldita ko sa kanya.
Bigla naman itong nagtaas ng kilay at parang amused na amused na tumingin sakin."Tama pala ang mga sinabi nila sakin.Sobrang suplada mo pala talaga".sabi nya na nakahawak ang isang hintuturo sa itaas ng labi nya.
Ako naman ang napataas ang kilay sa sinabi nya."Kilala ba kita,kasi i don't talk to strangers eh".
Napahalakhak naman sya sa sinabi ko.
"Hayaan mong magpakilala ako sayo kung dimo ako kilala.Hi I'm Andrei,17 years of age.Your future husband".ngumiti ito at yumukod na parang prinsipe sabay kindat sakin.
Feeling ko nagtaasan yata lahat ng dugo ko sa ulo.Namumula ang pisngi ko sa sinabi nya.
"Che!.and who the hell do you think you are para sabihing magiging boyfriend kita?.Asawa pa kaya?".No way,Never,Ever!" inirapan ko nanaman sya at naglakad nako papalayo sa kanya.
Kinagabihan hindi ako dalawin ng antok dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking yun sakin kanina sa mall."What the heck!,ang lakas ng loob ng gagong yun".
Pero infairness,on the other side,first time kong mamangha sa itsura ng isang lalaki.Man hater ako pero marunong akong kumilatis ng mukha ng isang adonis.Andrei is a total description of hunk.Tall,very attractive,at may maamong mukha.Para syang hawig ni Chris Evans lalo na pag ngumiti kaya sino ba ang hindi mafo fall pag ngumiti ang lalaki.
"No! Erase!.Erase!."pinilig ko ang ulo ko.Ano bang iniisip ko?Hinding-hindi ako magkakagusto dun noh!.
Puro girls ang kasama lagi.Mukhang chick boy din.Plus mahangin.
Araw-araw ko ding nakikita na magkasama sila ni Bianca.Kaya no wonder kung sila nga nun eh.
Buti pa matulog na lang ako.Maaga pa ako bukas sa pagpasok.
Kinabukasan maaga akong gumising.Pinaghanda ako ni mommy ng breakfast.Medyo sinisipag daw sya ngayon kaya sasamahan din daw nya ako sa school.Sya ang maghahatid sakin bago pumunta sa office.Mauuna lang daw si daddy.Napaka swerte ko talaga sa mga magulang ko.Wala na kong hahanapin pa.
Hinatid na nga ako ni mommy sa School bago pumasok sa office nya.Nagpaalam nako kay mommy para makapasok na sa school.Kumakaway ako sa kanya kaya diko namalayang nabunggo pala ako sa matigas na bagay at akala ko nga ay pader.
"Aray!".tumama pala ang noo ko sa matigas na bagay na un.
Pag-angat ko ng tingin,nakatinging mukha ni Andrei ang nakita ko.Pinilig ko ang ulo ko dahil parang nahihypnotize ako ng mga titig nya.
Kunwari naggalit-galitan ako dahil sa parang nag-iinit ang mga pisngi ko.Sana di nya mapansin dahil maputi pa naman ako.
"Watch where you're going moron!".sabi ko.
Nakita kong nawala ang kanyang ngiti.Pero panandalian lang yun.Binigyan nya uli ako ng isang napakatamis na ngati.Ewan ko pero parang naririnig ko yata ang puso kong tinatambol dahil sa mga ngiti ni Andrei.
"Hey,ikaw kaya ang bumangga sakin.Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo .Pero ok lang.You're forgiven my queen."sabay kindat sakin.
Inirapan ko ulit sya at nag dirty sign pako sa kanya bago umalis.
"The hell".
Narinig ko nalang na sinabi nya at nagmartsa na akong umalis para iwanan syang nagkakamot ng ulo.
Recess time nanaman at nandito uli kami sa canteen ng mga kaibigan ko.Pinag-uusapan namin ung magiging project namin sa Poetry subject namin.Nasabi kasi ng teacher namin na magbubunutan daw at dalawang tao ang pwede mag partner para sa gagawing project.
"Mga beshy excited nako sana naman isa sa inyo ang maging partner ko".saad ni Hikkaru saming dalawa ni Sam.
"Pero pwede naman siguro natin pakiusapan si ma'am na kung pwede pumili na lang tayo ng makakapartner natin diba?".nakangising sabi ni Sam samin.
"Gagi.!.Hindi yan uubra kay ma'am napa ka strikto kaya nun.Puro by the book by the book ang sinasabi non".sabi ko na nagkakamot ng ulo.
"So wala na talaga tayong choice mga besh",nakangiwing sabi ni Hikkaru.
"Gurl tingin ka dun sa table nung mga mean girls.Kanina kopa kasi napapansin,kanina ka pa tinitingnan nung si Andrei yata ang pangalan nun.May utang kaba dun?".natatawang sabi sakin ni Samantha.
Lumingon naman ako sa table ng sinasabi nya.Sila Bianca lang naman ang mga mean girls na sinasabi ng kaibigan ko.Kung kaming tatlong magkakaibigan ay man haters,ang mga grupo naman ni Bianca ay mga MEAN GIRLS.
Mga wala na ngang utak eh ang hilig hilig pa magtambay at mag cutting classes.Nambubully din sila.Ewan ko ba kung anong nahihita nila sa pagiging mean girls nila.
Mga magaganda din naman sila pero mas maganda parin kami.
Tumingin ako sa lalaking sinasabi ni Samantha at nagtama ang mga mata namin ni Andrei.Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Bahala sya sa buhay nya.Diko naman sya kilala".sabi ko nalang na napapailing.
"Diba sya yung captain sa varsity team?"tanong ni Hikkaru."Oo sya nga."
segunda naman ni Sam.
"Hay naku,wag nyo nalang pansinin yang mga yan.Diba wala tayong pakialam sa mga lalaki?.Bakit nyo pinapansin yan?"galit-galitan kong sabi sa mga friends ko.
"Oo nga pala,man hater nga pala tayo."sabi ni Samantha.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa pagkain pero ang totoo nyan,parang gusto ko nang lumabas ng canteen para makaiwas sa titig ni Andrei na tumatagos sa kaluluwa ko.
Makatitig naman kasi wagas!.
Hay naku!
Natapos nanaman ang klase at magsisiuwian nanaman kaming mga estudyante.Nakatayo ako sa labas ng gate habang inaantay ang sundo ko.May tumabi sakin kaya akala ko ay estudyante lang na naghihintay din kagaya ko.Nasa waiting shed kasi ako.Dito ako laging nag aantay sa driver namin dahil may lilim.