ALTHEA'S POV Kanina ko pa napapansing walang kibo si Andrei.Hindi ako nito pinapansin. Nakaupo lang ito sa may dalampasigan at parang malalim ang iniisip. Gusto ko sanang umupo sa kanyang tabi ngunit nagpipigil ako dahil sa mga sinabi ko dito. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Naging harsh ba ako sa kanya? Wala talaga akong makitang kahit anong pagkakaabalahan dito sa lugar na ito kaya napagpasyahan kong maligo na lang sa dagat. Hinubad ko ang aking mga damit at tanging bra at panty lang ang itinira ko. Napalingon ito sa akin pero blangko parin ang ekspresyon ng mukha nito. Wala akong pakialam,bahala ka sa buhay mo,bulong ko nalang sa aking isipan. Lumangoy ako sa dagat. Ang sarap maligo at magswimming. Nakakawala ng pagod. Nakakawala ng stress sa buhay. Nang tumingin ako sa gawi ni And

