ALTHEA'S POV Tambak nanaman ang mga papeles kong pipirmahan. Hindi na talaga naawa sakin ang aking secretary. Pagpasok ko pa lang kanina ay sinabihan na nya akong huwag daw akong lalabas ng opisina hanggat hindi daw napipirmahan ang mga papeles na kanyang inilagay sa table ko. Patong-patong iyon at baka sa susunod na pasko ko pa matatapos ang mga ito kung hindi ko pa gagawin ngayon. Hindi ko nga alam kung sino na sa amin ang secretary dahil parang pinapagalitan na nya ako. Pinandilatan ko sya ng mata kahit mas matanda ito sa akin. Natawa naman sa akin ang sekretarya ko. Habang busy ako sa pagbabasa ay tumunog ang celphone ko na nakapatong sa mesa.Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si daddy yun kaya sinagot ko ang tawag. "Hi dad.Napatawag po kayo?".Madalang lang

