ALTHEA'S POV Nagising ako sa ingay ng buong bahay. Umaalingawngaw ang boses ng aking mga kaibigan. Sumilip ako sa labas para makita kung anong meron. Sila nga! Agad akong pumasok ng banyo para maligo. Mabuti na lamang at tuyo na ang aking damit na nilabhan kahapon. Pagkatapos kong magtooth brush at maligo ay nagbihis na ako saka lumabas ng bahay. Tinawag ko ang kanilang mga pangalan. "Sam! Hikkaru!" Nadatnan ko sa labas sina Samantha at Hikkaru. Kasama pa nila sina Thaddeus at kuya Brixx na lalo kong ikinagulat. Napatingin sa akin si Andrei pagkatapos ay dali-dali ako nitong niyakap. Ang lakas tuloy ng kantyaw ng mga kaibigan ko pati na rin ang mga kaibigan ni Andrei. "Baby! Pumasok ka sa loob bilisan mo! Wala kang suot na bra,nakalimutan mo na ba? Ayokong pagpyestahan ka ng mga kaibig

