CHAPTER 5

1257 Words
Hindi ko lubos maisip na boyfriend ko na si Andrei.Nang makauwi kami sa bahay ay dumistansya ako sa kanya at baka makahalata ang mga parents namin kung bakit close na kami. Gusto kong isikreto sa lahat ang aming relasyon kaya kinausap ko sya.Nung una ay ayaw pa nyang pumayag.Natatawa na lang ako sa kanya dahil nakanguso pa ito na parang batang hindi nabigyan ng chocolate. Tapos na kaming magdinner kaya nagtsatsaa ang aming mga magulang sa living room.Niyaya naman ako ni Andrei sa may garden para dun magpahangin. Nagpakuha din ako ng juice at tea kina manang para dalhan kami ni Andrei habang nagkwekwentuhan. "Last day nyo na bukas diba?".tanong ko sa kanya. "Uhm yeah".tipid naman nitong sagot. "Pwede ba akong magtanong?" "Yes baby,ano yun?". "Bakit ako?.Tsaka anong nagustuhan mo sakin?.Andami namang iba diyan na pwede mong ligawan.Kaya nagtataka ako bakit ako."mahaba kong saad sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay pero nakangiting kinuha nya ang aking kamay at may iniabot na isang maliit na box. Nagtataka ko syang tiningnan. "I don't know.I just felt it".nakapamulsang sabi nya na napapayuko.Mahahalata sa itsura nya na para syang isang batang umaamin na para bang may nagawang kasalanan kaya napapangiti ako. Binuksan ko ang maliit na box na binigay nya.Tumambad sakin ang isang new collection ng isang mamahaling brand ng alahas.Isa itong manipis na gold necklace na may malaking pulang batong pendant na hugis diamond.Tiningnan ko ang likod nito at nakaukit ang pangalan ng sikat na brand ng jewelry.sa gitna nito ay may naka ukit na letrang "FL".Para itong pinasadya. "Ang ganda!".namamangha kong sabi. Kinuha nya ang necklace mula sa aking mga kamay at isinuot iyon sakin. "Here.bagay sayo.That's my heart so please take care of it". Dinampian nya ang aking labi ng isang matamis na halik.Pinikit ko ang aking mga mata at tinugon ang kanyang halik na iginawad sakin. Maaga akong gumising para pumasok sa school.Hindi na ako kumain ng breakfast sa bahay dahil nagtext si Hikkaru at nagyayayang magcoffee sa coffee shop malapit sa school namin. Bagong sahod daw ito kaya nagyaya ang loka. Agad akong naligo at nagbihis.Nagskin care lang ako at naglagay ng konting blush on sa pisngi.Naglagay din ako ng manipis na red lip tint.Hindi naman ako dati naglalagay pero baka kasi makita ko si Andrei.Nakakahiya naman kung maputla ang mukha ko.Isinuot ko din ang necklace na bigay nya sakin.Sinipat ko pa ang itsura ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Napangiti ako nang makuntento sa itsura ko. "Perfect!." Dumaan nga ako sa coffeeshop.Kanina pa text ng text sina Samantha dahil nagugutom na daw ang mga bulate nila sa tiyan. "Wow ha.Ang tagal mo naman.Kanina pa nagsisikawagan ang mga bulate ko sa tiyan."nagmamaktol na sabi ni Samantha. "Apaka oa mo ha.Late lang ako ng 5 minutes eh".natatawang saad ko sa kanya. Tinawag na nga nito ang waiter para mag order ng kakainin namin. Nasa isang sikat na Italian Coffee Shop kami kaya ang mga pagkain at inumin doon ay nakasulat sa Italian. "Ano bang masarap dito?."tanong ni Hikkaru. "Ako cappuccino tsaka isang cornetto/croissant."saad ko sa kanila. "Sosyal pala dito."natatawang sabi ni Hikkaru. "Sakin ay isang donut at isang espresso."dagdag pa nito. "Ay ang pait naman ng life mo beshy,"napapangiwing sabi ni Samantha kay Hikkaru. "Kaya nga kumuha din ako ng donut para magkaron ng tamis kahit konti".napapakamot ng ulong sagot ni Hikkaru. "Sky is the limit ba to?"pilyang tanong ni Samantha. "Oo dahil bagong sahod ako.Kaya umorder ka ng kahit na ano." "Sabi mo eh.Kuya pahingi ako ng isang latte macchiato at isang pandesal please."nagpapacute na sabi ni Samantha sa waiter. Nagkwentuhan lang kami ng mga kaibigan ko tungkol sa week ends namin.As usual si Hikkaru bahay at part time job lang ang daily routine.Wala namang bago sa kaibigan naming yun.Ayaw naman nyang tumaggap ng tulong sa amin ni Samantha dahil kaya pa naman daw nya.Si Samantha naman ay bumisita daw sa kanyang daddy.Magkahiwalay kasi ang kanyang mommy at daddy.Nakatira sya sa kanyang mommy kaya tuwing week ends ay nasa bahay sya ng kanyang daddy.Kwinento ko naman sa kanila na dumating ang mga business partners ng daddy ko at nagstay ang mga ito sa bahay ng two days kasama ang anak nilang lalaki.Pero diko sinabing si Andrei ang tinutukoy ko. "Talaga?anong itsura ng anak nila?Gwapo ba?"sunud-sunod na tanong sakin ni Samantha. "Mmmmmmm.gwapo din."saad ko,kunwaring nag-iisip pa bago sumagot. "Iiiiiiiiihhhhhhhh!" Ang lakas ng tili ng dalawa. Natatawa naman akong pinagalitan sila.Hay naku. Kaya ayoko nagkwekwento eh. Naturingan pa naman kaming mga Man Haters pero pag gwapo ang pinag-uusapan ay para kaming mga nauubusan ng lalaki. Napapailing nalang ako sa mga kaibigan ko. Sabay na nga kaming tatlong pumasok sa school.Madami nanamang estudyanteng nakatambay sa mga benches doon.Madadaanan namin ang grupo nina Fritz na kasama ang grupo ni Andrei.Kunwaring hindi ako tumingin sa gawi ni Andrei at nilagpasan ko sila.Nagtatawanan pa sila ni Fritz kaya nakaramdam ako ng konting inis sa babae.Sobrang close yata nila ng boyfriend ko.Umirap nalang ako sa hangin.As if naman pwede ko silang sugurin at sabunutan ang buhok ni Fritz.Eh di parang pinangalandakan ko na ring boyfriend ko si Andrei. Pumasok na kami sa classroom.Wala pa ang adviser namin kaya sobrang ingay ng mga classmates ko. Biglang may kumatok sa pintuan ng classroom .Lumingon kami sa taong iyon.Isa din yatang estudyante pero sa ibang section kaya diko kilala.Pumasok ito sa loob at nagsalita. "Sino po si Althea?." Pinagtuturo ako ng mga classmates ko. Nagtaka naman ako bakit nya ako hinahanap. May inilabas itong isang bouquet ng lilac na bulaklak at iniabot sa akin. Nagsigawan ang aking mga classmates kabilang na ang aking mga kaibigan.Namumula naman ang mukha kong tinanggap ang bulaklak. "Sigurado ka bang para sa akin yan? Sino daw nagpapabigay?",takang tanong ko sa nagdeliver. "Hindi ko po alam eh.Napag-utusan lang po ako.Ang sabi lang po sa note ay sabihin ko daw po na kilala nyo siya.May nakasulat po yata sa card."sabi pa nito na napapakamot ng ulo."Sige po aalis napo ako. Nagpasalamat na lang ako sa estudyante at binasa ang nakasulat sa card. "Hope you like it baby" ang nakalagay. Kinilig ako pero di ako nagpahalata.Nakatingin kasi sakin ang dalawa kong kaibigan kaya nagkunwari na lang akong naiinis. Alam kong si Andrei ang nagpadala ng flowers para sakin.Parang may mga paru-paro tuloy na nagliliparan sa aking dibdib.Papalampasin ko muna ang nakita sa covered walk kaninang umaga.Masaya ako at sumunod siya sa pangako nyang liligawan ako. Inagaw ni Samantha mula sa akin ang card at binasa ito. "Ano yan?may nanliligaw ba sayo?"takang tanong nito sakin.Kinabahan naman ako sa tanong nya pero ikinaila ko.Mahirap na.Baka magalit sakin ang mga kaibigan ko. "Wala ah.Diko nga kilala yan.Sayang naman kasi ang mga flowers kung diko kukunin.Ang ganda pa naman." "Sabagay",saad nalang nito. Hindi na talaga ako makapaghintay ng poetry class namin.Gusto ko na makita si Andrei.Parang anytime ay lalabas na ang puso ko. Nasa poetry class kami ngayon.Sinisira talaga ni Fritz ang araw ko dahil kanina pa sya naka angkla sa braso ni Andrei.Hindi pa talaga nakuntento ang babae at gusto pang sumandag sa balikat ni Andrei.Isa din tong unggoy na to na gustung-gusto naman.Kunwari pang pasulyap-sulyap sa akin.Todo irap tuloy ako sa kanya.Magsama kayo ng malanding yan bulong ko sa sarili ko. "Girls tingnan nyo may love team yata tau sa classroom".natatawang sabi ni Hikkaru samin ni Sam sabay nguso kina Andrei at Fritz.Pinaikot naman ni Samantha ang kanyang mga mata. Hindi na lang ako kumibo dahil nasasaktan na talaga ako.Pati mga kaibigan ko ay napansin din ang panglalandi ni Fritz sa boyfriend ko!. Sinasabi ko sayo Andrei subukan mo lang akong kausapin makikita mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD