SPECIAL CHAPTER NINA HIKKARU AT BRIXX BRIXX'S POV Nasa isang bar ako ngayon at nagpapahinga sa isang VIP room. Ang naturang bar ay pag-aari ko at kasosyo ko dito si Claire na aking pinsan. Kinuha ko ang celphone ko at tinawagan ko ito. Maingay ang paligid. "Hello,nasa bar ako ngayon dito sa malapit sa opisina kasama ko si Hikkaru.",saka nito pinatay ang tawag. Bumaba ako para puntahan ito ngunit isinuot ko ang maskara ng pamangkin kong dapat ay ireregalo ko dito. Nang bumaba ako at puntahan ito ay nagulat ito sa aking itsura. "Anong trip mo sa buhay couz?." "Huwag mo nang alamin. Nasaan ba ang amo mo?",tanong ko dito na kunwaro ay curious ako. Inginuso nito ang kanyang amo sa dance floor. Gumigiling ito at halatang minamanyak na ng kasayaw nito pero parang wala lang sa kanya. "

