Pagkauwi namin ni Raiser ay pumasok na agad ako sa kwarto. Pinikit ko na ang mata ko ng maramdaman ko na humiga na sa tabi ko si Raiser. I felt his hands snaked around my waist. "Babe," tawag niya sa'kin. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa'kin. "I'm sorry babe I never wanted to hurt you but I did I'm sorry kung maibabalik ko lang sana ang panahon sabay na sana tayong umuwi noon sana wala tayong problema ngayon." Hindi parin ako nagsalita dahil kapag nagsalita ako alam kong maiiyak ako. "Babe hindi ko alam wala akong matandaan lasing na lasing ako noon, babe I'm not perfect, tao lang ako pero hindi ko ginustong maging gago sayo I love you so much babe, I'm dying inside knowing and seeing you hurt." Nakasubsob siya sa batok ko at ramdam na ramdam ko ang pagkabasa nito. Umiiya

