Nagluluto siya ng dinner nila. Nandito pa rin sila sa bahay nila hindi kasi siya pinayagan ng kanyang mga magulang na bumalik sa bahay na binigay ni Dave sa kanya. Nakalabas na rin ang mommy niya ng hospital. May taong tumakip raw ng panyo sa bunganga nito kaya nawalan raw ito ng malay. Dalawang buwan na sila sa bahay ng magulang niya. Gustuhin niya mang umuwi sa binigay ni Dave na bahay ay hindi puwede ayaw niya nang maulit ang nangyari sa anak. Hindi niya gustong mapahamak ulit ito. Pagkatapos niyang magluto ay pumunta siya ng sala. Naabutan niyang nilalaro ng kanyang Kuya Benjie ang kanyang anak. Nilapitan niya ang anak at hinalikan ito sa pisngi. “Kuya, pakitawag na lang si mommy at daddy tapos na akong magluto. Mauuna na kami ni Danela sa kitchen,” Patakbong pumunta ang kanyang

