Dahan-dahang iminulat ng dalaga ang mga mata nang makaramdam ng pamamanhid sa kanyang hita. "Bakit ba ang bigat!" reklamo niya. Pumasok sa kanyang isip na hindi naman mabigat ang ginagamit niyang unan. Napahawak sa bibig ang dalaga ng maalala ang nangyari. Nilibot nang tingin ng babae ang buong silid. Paglingon nito sa kanyang tabi nakita niya ang lalaki. Bakit ito nakadantay sa kanya. Itinulak nang malakas ni Angela ang katabi. "What the f**k!" sigaw ng lalaki matapos makatayo mula sa sahig. Galit itong tumitig sa kanya. "Tss. You're so noisy. " Namula siya nang makita ang p*********i nito. Kahit nakita niya na ito hindi niya pa rin maiwasang maasiwa. "Gusto mo ng round 2? Maaga pa naman, alas-tres pa lang ng madaling araw." Napatingin siya kanyang relo s sa kamay. Paano nito

