Chapter Two

1522 Words
Habang abala sa pagda-drive si Aeron. Si Angela naman ay abala din sa pagtanggal ng tali sa kanyang mga kamay. Bago kanina pumunta ng front seat ang lalaki ay tinalian muna nito ng panyo ang kanyang mga kamay. Sobrang nanggigigil ang dalaga sa lalaki. Gusto niyang sapakin ito sa mukha. Matalim niyang tiningnan ang likod ni Aeron. Kung nakamamatay lang ang pagtingin nang matalim ay baka kanina pa ito bumulagta. Tumingin ito sa kanya sabay ngumisi na parang demonyo. Bago ibinalik ng lalaki ang tingin sa unahan ng dinadaanan nila ay kumindat muna ito sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan. Nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga buildings. Ayaw ng dalaga na malaman ni Aeron na sinusubukan niyang tanggalin ang tali sa kanyang mga kamay. "Matanggal ko lang ang panyo na ito sa kamay ko, tatanggalan ko talaga siya ng kaligayahan," mahinang bulong ni Angela sa hangin. Bibigyan niya talaga ng malaking lesson ang lalaki. Nagkamali itong kalabanin siya. Sisiguraduhin niyang hindi na muli ito makalalapit sa kanya. Iniisip pa lang niya ang gagawin sa lalaki ay nangagati na ang kanyang mga kamay. Nang matanggal ang itinali ni Aeron na panyo sa kanyang kamay, umupo siya ng tuwid at sumundal sa upuan. Napatingin siya sa labas ng kotse nang bigla itong huminto. Nakarating na pala sila sa tinitirahang bahay ni Aeron. Napansin niyang wala ang kotse ni Claire sa garahe. "Kaya naman pala ang lakas nang loob ng lalaking ito na dalhin ako rito, dahil wala ang asawa niya," mahinang bulong niya sabay umismid. Ngumiti muna ang lalaki sa kanya bago nito pinatay ang sasakyan. Bagot niya namang tiningnan ito. Napansin niyang nagmamadali itong lumabas ng kotse, kaya nagmadali din naman siyang lumabas ng sasakyan. "What the f**k!" Nang humarap siya rito ay nagulat ito. Malakas niyang tinuhod ang nasa gitna nito, kaya napaluhod ito sa sahig. Ang nakitang lubid sa loob ng sasakyan kanina ay dali-dali niyang ipinulupot sa nakaluhod pa rin na lalaki. "f**k you, Angela!" galit na sigaw nito sa kanya. Nagpupumiglas ito habang ipinupulupot niya ang lubid sa katawan nito. "f**k you too, Aeron! Ang kapal ng mukha mong dalhin ako dito sa bahay ninyo ng asawa mo! Binalak mo pa talaga akong gahasain!" Hinigpitan niya ang pagkakapulupot ng tali rito, bago ibinuhol ang magkabilang dulo ng lubid sa likuran nito. Humarap ang dalaga sa lalaki at nagcross-arm. Yumuko siya sa harapan ng lalaki at ipiniring niya rito ang panyo na itinali nito sa kanya. "What the f**k are you doing, Angela!" sigaw nito habang nagpupumiglas. "f**k!" Napamura nang malakas si Aeron ng sampalin siya ni Angela. Dahil nagngingitngit parin sa galit si Angela sinipa niya ang dibdib ng lalaki dahilan para matumba ito sa sahig. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang may nakitang bato nilapitan niya ito at dinampot. Binato niya ang salamin ng kotse. Napangiti siya ng mabutas ang salamin nito. "Angela, what did you do! " galit na sigaw nito. Umismid at inikutan ng mata ni Angela ang lalaki. "Don't worry, isang salamin lang naman ng kotse mo ang binasag ko." "Damn you, Angela!" Nginisian niya ang nakahiga pa ring lalaki. Nagsimulang maglakad si Angela papuntang gate ng bahay nila Aeron. Mabuti na lang malayo ang gate kung hindi baka nakita siya ng guard. Nang payagang lumabas ng gate, napabuntong-hininga nang malalim ang dalaga. Bago siya lumabas ng gate ay muli niyang sinulyapan ang garahe nila Aeron. Biglang sumiklab ulit ang kanyang galit dito. Hinding-hindi niya patatawarin ito. Ang ginawa nitong pagtangka na gahasain siya ay walang kapatawaran. Kailanman ay hindi niya inisip na gagawan siya ng masama nito. Nang may dumaang taxi sa tapat ni Angela ay pinara niya kaagad ito. "Manong, sa mall po tayo." Tinanguan siya ng driver bago nito pinaandar ang sasakyan. Makalipas ang sampung minuto, huminto ang taxi na sinasakyan ni Angela sa parking lot ng mall. Matapos mabayaran ng dalaga ang driver tinungo niya kaagad ang Jewelry Shop. Habang pumipili siya ng necklace ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya namang sinagot ang tawag. Ang matalik na kaibigan ang tumawag sa kanya. "Bessy Angela, pwede mo ba akong samahan?" Umiiyak na saad nito. "Wait, why are you crying, Chally?" nag-aalala niyang tanong sa kaibigan. Itinuro niya sa sales lady ang napili niyang ruby necklace. "N-nandito ako ngayon sa bar nila Jelo. Ang gago kong boyfriend niloko ako. N-naabutan kong nagtatalik silang magpinsan sa office niya, " nauutal nitong paliwanag sa kanya. "What! Eh, gago pala talaga ang boyfriend mo na 'yun, eh!" Hindi niya napigilang sumigaw ng malakas. Kaya napatingin sa kanya ang mga taong dumadaan. "Please! I need you now, Bess." "Just stay there, don't leave, bess. Okay? Paalis na ako." Pinatay niya ang tawag at inilagay sa pouch ang cellphone. Matapos mabayaran at maibigay sa kanya ng sales lady ang necklace ay patakbo siyang lumabas ng mall. Walong minuto bago nakarating ng Jelo's Bar si Angela. Habang papasok ng bar ang dalaga ay hindi niya napansing halos lahat ng mga kalalakihan ay nasa kanya nakatutok ang mga mata. Masyadong abala ang dalaga sa paghahanap sa kinaroroonan ng kaibigan, kaya hindi na nito napansin ang mga malalagkit na tingin ng ibang mga kalalakihan sa kanya. Ang may-ari ng bar na si Jelo Merall ay hindi napigilang sundan ang bawat galaw ng dalaga. Sino nga ba naman ang hindi makakapansin sa babae. Sa taas nitong 5'7 hindi maipagkakaila na maraming mga kababaihan ang naiinggit dito. Ang mukha nitong hindi mo pagsasawaang tingnan. Kapansin-pansin ang maitim nitong mga mata na lalong pinaitim ng makapal at mahahabang pilikmata. Ang ilong na matangos na aakalain mong may lahi itong banyaga. Ang mapupula nitong labi na pangarap nang maraming kalalakihan na matikman. Maihahantulad ang maputi nitong kulay sa labanos. Napasipol si Jelo nang lumapit sa kanya ang dalagang si Angela. Hinagod niya nang tingin ang kabuuan nito. Napansin naman ng dalaga ang ginawa ng lalaki kaya hinampas niya ng pouch ang dibdib nito. Kung hindi lang kaibigan ng kuya niya ang lalaki baka matagal na niyang pinatulan ang lalaki. "You're here again, Angela. I thought bawal kang lumabas ng bahay niyo?" Matalim ang ibinigay niyang tingin kay Jelo. Ang bar na palagi niyang pinupuntahan ay ang Jelo's Bar. "Huwag mo akong isusumbong kay kuya. Si Chally ang ipinunta ko rito. Napansin mo ba siya." Hindi pa niya kasi nakikita ang kaibigan. "No. Actually kararating ko lang dito." "Can you help me? I need to see her." Nag-aalala niyang wika sa lalaki. "Are you sure she's here?" Tumalim ang tingin niya sa lalaki. Akala siguro nito ay nagsisinungaling siya. "Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako, ha, Jelo?" Hindi niya mapigilang mainis sa lalaking kaharap. Napansin naman ni Jelo na nayayamot na sa kanya ang dalaga. Napakamot siya sa batok. "Naniniwala naman ako sa'yo, Angela, binibiro lang kita." Napahiyaw ang lalaki nang apakan ng dalaga ang paa nito. "f**k!" Napalundag ang lalaki sa sakit. "What is your f*****g problem, Angela?" 'Di mapigilang mainis ni Jelo sa dalaga. "Hindi ko na kailangan ng tulong mo!" sigaw ni Angela sa lalaki. Nilampasan ng dalaga ito at pumunta sa nagkukumpulang mga lalaki. Nang makalapit sa mga lalaki umusok ang ilong ni Angela sa nakita. Itinulak niya ang lalaking tumititig sa dibdib ng kanyang kaibigan. Dahil malakas ang pagkakatulak napaupo ito sa sahig. "Lumayo nga kayo sa kaibigan ko!" galit niyang sigaw. Lumayo naman sa kanila ang mga kalalakihan. Kilala ang dalaga sa pagiging palaban nito. Takot din ang mga ito na kalabanin ang dalaga dahil alam nilang makakalaban nila ang kuya nito. "Bessy Angela, you're here!" Umikot ang mga ni Angela sa kaibigan. "Tinawagan mo kaya ako." Inagaw niya ang alak na nasa kamay ng kaibigan. "Gusto ko pang uminom, Bessy Angela, eh. I want to forget everything! I want to forget him!" umiiyak nitong saad. "Ano ka ba! Marami pang mga lalaki, Chally! Tama na yan ihahatid na kita." sermun niya sa kaibigan. "Pero gusto ko pa ng alak! Gusto kong magpakalasing kahit ngayon lang!" sigaw sa kanya ni Chally. Napailing-iling siya habang pinagmamasdan ito. Kung hindi lang broken-hearted ang kanyang kaibigan baka nasapak na niya ito. "Sige na, Angela, payagan mo na akong magpakalasing kahit ngayon lang, oh." Hinawakan ni Chally ang kamay niya. Namumugto na ang mga mata ng kanyang kaibigan. Awang-awa na siya rito. Kung makikita niya ang boyfriend nito tatanggalan niya talaga ito ng kaligayahan. Ang kapal din ng mukha nitong lokohin ang kaibigan niya. Saksi siya sa pagiging loyal ni Chally sa boyfriend nito. "Bessy Angela, bakit ang malas ko sa mga lalaki. Hindi ko na nga nakuha ang kuya mo, pati ba naman ang boyfriend ko pinagtaksilan pa ako! Ayoko na talaga!" Napatiakip siya sa tainga nang sumigaw ito ng malakas. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo, Chally. Lasing ka na, oh." Pinatayo niya ang kaibigan. "Aalis na kayo kaagad?" tanong ni Jelo sa kanya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanila. "Oo, eh, ayoko namang malasing itong babaeng ito." Itinuro niya ang kaibigang nakapikit na. "Angela, kung gusto mo ako na lang ang maghatid sa kanya," alok ng lalaki sa kanya. "Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yes. Actually makikipagkita ako sa kuya ni Chally ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD