Nang makababa ng taxi patakbo siyang pumasok sa gate. Hingal na hingal na siya. Iniwan siya ni Gabriel at nauna na itong pumasok. Pagkagising niya kasi kanina walang lalaking bumati nang good morning sa kanya. Shit! Bakit ba kasi ‘di ako ginising ni Gabriel! Nakakainis talaga ang lalaking ‘yun! Tinanghali tuloy ako ng gising. Sana hindi pa ako late. Tuloy-tuloy lang ang takbo niya hanggang sa makarating siya sa labas ng room nila. “Thank you po, Lord, hindi pa ako late,” pasalamat niya, dahil wala pa nagsisimula ang kanilang klase. Pati ang professor nila ay wala pa rin. Papasok na sana siya sa loob nang may napansing nakatayo sa tapat ng kanyang upuan. Napakunot-noo siya nang makilala ito Anong ginagawa niya rito sa room namin? Lumakad siya papasok. Habang naglalakad napatingin

