"Ano ka? Hello? Okay ka lang? Sa tingin mo maniniwala ang mga 'yon? At saka, tumigil ka na nga, MJ, masiyadong luma na 'yang technic na iyan, hindi gagana 'yan sa ganoong klaseng lalaki," rason niya na mas lalong nagpahaba ng nguso ko. Ginagamit ko kasi rati si Genil na 'boyfriend' sa tuwing may umaaligid sa akin na mga lalaki na hindi ko type at saka hindi ko lang talaga type. "Grabe, guwapo ka naman at lalaki ang dating mo, maniniwala sila," pilit ko pa. "Sige... isama mo ako sa dinner na 'yan at ipakita mo sa kanila ang kambal tapos sabihin mo'ng ako ang ama ng kambal, sasabihin ko rin sa kanila na bakla ako. Tingnan natin kung sino ang paniniwalaan nila," puno ng panghahamon na sabi niya. Umirap na lang ako at hindi na siya pinilit pa. Biro ko lang naman talaga dapat 'y

