Very very light na bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Alice nang gabing iyon. Hindi ko alam. Baka nga? Pero ito naman ang gusto ko 'di ba? Ang hindi kami masiyadong ma-attach sa isa't-isa kasi nga maghihiwalay din naman kami.
Kaya kinabukasan, hindi na ako nagtaka na mas na-una nang umalis si Darry patulak ng opisina. Hindi na rin ako nagtanong kung anong oras siyang umuwi dahil hindi rin naman alam ng dalawa naming kasama sa bahay. Maybe it's another day of ignoring each other, then.
Bored na bored ako sa opisina. Wala akong meetings. Wala akong ibang trabahong kailangang trabahuin. Tapos ko na rin ang module ng Hydraulics. Nakaka-bored! Kaya ang ginawa ko, tinusok-tusok ko ng toothpick ang scratch paper na meron ako.
Wala naman akong matawagan na malapit na kaibigan dahil pare-pareho silang abala. I want to hang out and have a vacation! Kailan ba kasi babalik sina Mama?
Nag-beep 'yong intercom kaya napalingon ako roon.
"Boss, si Sir Darry nandito po."
Nice! Umayos ako sa pagkakaupo at hinagilap ang mga notes kong itinabi ko na kanina. Inilatag ko 'yon sa harapan ko at nagbasa. At saka ako sumagot kay Aira.
"Okay..." Malamig kong sinabi.
Ilang segundo lang ay nagbukas na ang pintuan ng opisina ko. Hindi ako lumingon, nilabanan ko ang urge at nanatiling sa mga papel ang tingin ko kahit na wala naman akong naiintindihan.
Mapagpanggap, MJ!
"Are you reviewing?"
Pinilit kong igalaw ang mata ko habang nakayuko pa rin pero ang tanging naaninag ko ay ang pang-ibabang parte ng katawan niya. Sa may ano... sa may... shut it out, MJ! Ang laswa mo nga!
"Yes, why?"
O, ano? Akala mo ikaw lang ang marunong mang-ignora, ha? Kaya ko 'yon.
"Okay."
Bigla akong may narinig na paalis kaya agad kong naiangat ang ulo ko. Tama nga ang hinala ko.
"B-Bakit sana?" Ano bang ginagawa niya rito? Pinuntahan niya ba ako para itanong lang sa akin 'yon? At kailangan kong magtanong kung para saan kasi nga bored ako 'di ba? Kailangan ko ng gagawin. "May gagawin ba?" Lakas loob na tanong ko habang nakatalikod siya.
Doon ko napagmasdan ang kabuuan niya kahit na nakatalikod siya. Humahaba na naman ang buhok niya pero hindi kasing haba ng dating buhok niya pero halatang hindi siya nagpa-haircut after that engagement party. Naka-gray suit siya na sobrang hapit na hapit sa kaniya. At nakapamulsa. Sa dalawang buwan naming magkasama sa iisang bubong, ngayon ko lang siya napagmasdan sa kabuuan niya in an office suit. And it suits him well, very well.
"Mom and Dad are here in Manila and they want to have a lunch with us but if you're busy-"
"Tara na!" Agad kong kinuha ang handbag ko para makalapit sa kaniya at unahan na siya sa paglalakad. Palapit na sana ako sa pinto nang magsalita siya.
"But you're reviewing, we can do it next time."
Lumingon ako sa kaniya at matinding paglunok ang nagawa ko nang makita na ang front view niya.
He is so punyemas handsome! Punyemas! Kailan ko ba huling natitigan ang mukha niya? Maybe two weeks ago? Two months? Ganoon ba katagal para hindi ko mapansin na meron nang balbas ang mukha niya?
"I have the time in the world to review at minsan lang pumunta rito ang Mom and Dad mo so let's go!" Iminuwestra ko pa ang pinto. Umiling at lumabas na lang ako.
"Boss... aalis po kayo, Boss?"
"Lunch with Tita Felicity and Tito Gabriel. Babalik din ako agad."
"Asawa na kita and two months na tayong kasal. You should, by now, call them Mom and Dad," with conviction niyang sabi kaya napaayos ako ng tayo.
Umirap ako sa sinabi niya. Nakita ko pa si Aira na ngumiti pero sinamaan ko lang ng tingin. Kung anong iniisip, e.
"Sige, Boss, Sir Darry, ako na po muna ang bahala sa opisina. Enjoy po kayo sa lunch n'yo, Boss!"
Inirapan ko si Aira at kinawayan na lang siya.
"Babalik din ako agad, 'wag kang OA sa pagbabantay."
"I'm afraid you can't go back here in the office after the lunch. Mom wants to be with you."
May kawala pa ba ako?
"Ang daldal 'pag may kaharap na iba," bulong ko sa sarili ko bago ko siya hinarap at nginitian nang pagkalawak-lawak. "Tara na, baka naghihintay na sina Mom and Dad," at in-emphasize ko talaga ang word na Mom and Dad.
Punyemas mo, Darry!
Naglakad na kami papuntang elevator. Tahimik at pinilit ko talagang manguna sa paglalakad. Wala na rin namang tao, hindi na siya magpapanggap na ayaw niya akong kausap kung 'yon talaga ang ginagawa niya. Nagpapanggap na mabuti ang samahan namin kahit na hindi. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi, parehong hindi namin ginusto ang kasalang ito. I guess i'll go with the flow?
Noong nasa elevator kami at kaming dalawa lang, medyo may distansya siya sa akin. Pero noong may biglang pumasok ay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang baywang ko.
Punyemas.
Halos singhapin ko pa ang lahat ng hangin sa elevator na ito dahil sa ginawa niya. Punyemas. His bare hands on my waist. Punyemas. Kalma, MJ, your ex-flings already did that, dapat hindi ka na manibago.
"Good morning, Boss MJ, Sir Darry," magalang na bati ng dalawang babae na pumasok sa elevator. Ngumiti ako sa kanila para ipakitang hindi ako apektado sa ginawa ni Darry.
Hindi talaga! Kahit na amoy na amoy ko na ang manly scent niya na halos sakupin na ang buong sistema ko. Punyemas? Ang bango niya! Hindi nakakaumay!
Diretso lang ang tingin ko kahit na kitang-kita sa gilid ng aking mata na maya't-maya ang tingin ng dalawang empleyado, tapos biglang magbubulongan at maghahagikhikan. Punyemas naman.
Medyo nakahinga ako nang maluwag nang lumabas ang dalawang empleyadong iyon at naiwan na naman kaming dalawa.
Ang akala ko, babalik siya sa distansya niya kanina pero nanatili siyang nakahawak sa aking baywang na animo'y mawawala ako kapag binitiwan niya.
"You can get your hands off me. Wala na rin namang nanunuod," matigas na sabi ko habang hinihintay na bumukas ang elevator door.
"What? I can't do this to my wife?"
I can feel that Darry Lizares is mockingly smiling at me so I mockingly laugh at his remarks.
"Oh come on, Darry. Alam nating dalawa na nagpapanggap ka lang na maayos ang relasyon nating dalawa bilang mag-asawa. You're just pretending that you're treating me right in front of others. You're just pretending that everything is fine. 'Di ba?" Nilakasan ko ang loob ko na lingunin siya at padarag na inalis ang kamay niya sa baywang ko at nag-martsa palabas ng elevator.
Hinanap ko ang kotse niya at no'ng makita ay hinintay kong pindutin niya ang car alarm para mapagbuksan ako. Nakahawak na ako sa knob ng car door.
"Aren't you?"
Aren't I? What the s**t? Ako pa? Ako pa talaga ang nagpapanggap?
Agad din naman niyang binuksan ang car alarm kaya padarag ang bawat kilos ko hanggang sa makaupo ako sa kotse niya at nakapag-seatbelt.
Kalmado naman ang naging pagpasok niya pero kakasarado niya pa lang sa pinto ng kotse ay niratratan ko na siya.
"Anong ako? Sino ba sa atin ang hindi namamansin? Dinaig mo pa aircon ng penthouse mo sa sobrang lamig! Pero kung nasa harapan ng maraming tao, sa harapan ng ibang tao, kung makipag-usap ka sa akin na parang I'm your closest friend in town!"
Namnamin mo, Darry! Namnamin mo ang dalawang buwan kong itinagong mga salita! Namnamin mo!
Sinulyapan ko siya ng tingin at mahigpit ang hawak niya sa steering wheel pero ni paandar ng kotse ay hindi man lang niya ginawa. Nandoon lang siya, mahigpit ang hawak sa steering wheel habang nakatingin sa harapan niya. Sa kawalan.
"I am your husband not some kind of friend, wife."
Mariin akong pumikit. Pinipigilan ang sariling sumabog.
"Oo, Darry, alam nating dalawa na hindi naman natin talaga gusto ang kasalang ito pero kahit isang magandang pakikitungo lang kahit walang nakakakita, Darry? Kahit 'yon lang? Hindi 'yong hindi mo ako pinapansin 'pag nasa bahay tayo. Hindi 'yong 'tsaka ka lang makikitungo sa akin nang maayos 'pag maraming nakakakita? Mahirap ba talaga akong pakitungohan, Darry?"
O, ayan pa! Lasapin mo 'yan, matagal kong pinag-praktisan 'yan! Mga dalawang buwan lang naman! Nakakairita! Nakaka-frustrate. Sobra! Naglagot na jud ko!
Hindi kami nagsisigawan pero mararamdaman sa mga boses namin ang diin at ang tensyon.
"Who told you I don't like this marriage?"
Ang sarap mong balibagin, Darry!
Mariin kong hinilot ang sentido ko, pinipigilan pa rin ang sariling sumabog. Kaonting-kaonti na lang talaga! Bakit ba hindi niya makuha ang point ko! Bakit ba sa isang pangungusap lang ng paragraph na sinabi ko siya magri-reak!
Marahas akong huminga at napatingin na rin sa harapan ko. Pinapakalma ang naghuhuramentadong isipan.
"Wala akong pakialam kung ayaw mo o gusto. Ako, ayaw ko, pero sinubukan ko ang sarili kong pakitunguhan ka nang maayos." Ngayo'y kalmado na ako. Kalmadong-kalmado na.
"What do you want me to do, then?" Kalmado na rin siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Ayoko nang ulitin ang kung anong sinabi ko kanina.
"Just drive."
"What do you want me to do, Maria Josephina Constancia Lizares?"
Punyemas.
I never thought my name will be that beautiful 'pag siya ang nagsabi, 'pag galing sa labi niya. I never thought na bagay ang pangalan ko sa apelyido niya.
What the s**t, MJ! Ano ba! May giyera o! Nagawa mo pang magpahinga?
"Just drive, Darry! We're f*****g late!" Pinandilatan ko siya ng mata at iminuwestra pa ang harapan niya para sundin niya ang gusto kong gawin.
Bumalatay sa mukha niya ang iritasyon at ang gulat. Sasagot na sana siya kaso biglang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya ito at sinagot.
"Yes Mom?" nanahimik ako nang sagutin niya ang tawag. It's Mommy (awkward) Felicithea pala. "We're on our way Mom... Okay." 'Yon lang at pabato niyang inilagay ang phone niya sa dashboard sa harapan ko at sarkastiko akong tumawa.
"Galit ka na n'yan?" Sarkastikong komento ko sa ginawa niya.
Pinaandar na niya ang kotse niya.
"Don't ever use profanity against me, wife."
Profanity! Profanity. Profanity. Punyemas, Tangina. f**k. That. s**t. O ano pa? Madami pa akong mura rito!
Medyo mabilis ang pagpapatakbo niya papunta sa kung saan man kami magla-lunch.
"Stop calling me wife! It's cringing! Kanina ka pa ha!" Singhal ko sa kaniya bago padarag na bumaba ng kotse niya nang makarating kami sa lobby ng Shangri-La Hotel. Binilisan ko na rin ang lakad ko para hindi niya ako maabutan.
Pero masiyado yatang mahaba ang bias niya at agad niya akong nasundan.
"I'll keep calling you wife, then," and he hold my hand and entertwined his fingers to mine. He entertwined our hands, not leaving any small space of our palms. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na halos mapahinto ako sa paglalakad.
What the s**t is happening? I've hold other boys hands before but what is this?
I feel fireworks blow up inside me. Sandamakmak na fireworks na umabot sa tiyan at para akong giniling. What the s**t? What is this feeling? Oo, may gusto ako sa kaniya pero dahil sa pang-i-ignora niya sa akin, winala ko 'yon.
Kaya... ano 'to? Bumabalik ba? Nawala ba talaga o naitago ko lang? Ano ba 'to?
"Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.
Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng t***k ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.
Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!
Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maayos sa kaniya.
"Hi, Mom. Hi, Dad," bineso ko rin si Daddy Gabriel. Ganoon din ang ginawa ni Darry.
Matapos ang batian, kaniya-kaniya kaming upo sa table.
"How are you, hija? It's been two months since the last time I saw you. You're doing good ba?"
Kaharap ko si Mommy Felicity at gaya ng una kong pagkakakilala sa kaniya, calculado at elegante ang bawat kilos niya, expression sa mukha, at bawat labas ng salita sa kaniyang bibig. Punyemas, how could she do that?
"I'm good, Mom," simpleng sagot ko sa tanong niya.
"How's your review? Naipagsasabay mo pa rin ba sa trabaho?" Si Daddy Gabriel naman ang nagtanong sa akin.
"Yes, Dad, maayos naman po ang review ko and same as the work."
"Hindi ka ba nahihirapan? Reviewing while monitoring the company? You know, you can always tell Darry if you want to focus on reviewing muna. He can handle two companies naman at the same time."
Edi siya na magaling! Bida ka na naman, Darry!
Umiling ako sa sinabi ni Daddy Gabriel.
"It's okay po, Dad, I can do it po and it's not really a burden po to hold a company while I'm preparing for the boards, Dad," Ngumiti muna ako kay Daddy Gabriel tapos ay pinagmasdan ko ang mga waiters na ihanda sa harapan namin ang mga pagkain.
"My wife can pull it off, Dad. She's good at multitasking, so don't worry about her."
Ngumiti ako sa waiter na naglapag ng pagkain sa harapan ko. Ginawa ko 'yon para hindi pansinin ang sinabi ni Darry.
Mapagpanggap kang Lizares ka!
"Baka naman hindi mo tinatanong ang asawa mo, Darry, kung nahihirapan na ba siya sa kompanya? I've heard from other engineers na medyo mahirap daw ang boards ng civil engineers."
Tama ka, Daddy! Hindi nga ako tinatanong ng anak mong 'yan kung nahihirapan na ba ako! He's not even talkin to me at all! The longest conversation we ever had was a few mintues before our arrival here!
Punyemas!
Matinding pagkagat ang nagawa ko sa pang-ibabang labi ko nang ipatong ni Darry ang kamay niya sa isang hita ko. Mas lalo akong nairita nang bigla niya itong pinisil. Medyo madiin kaya may naramdaman akong kaonting kirot.
Pinasadahan ko siya ng tingin at seryoso lang siyang nakatingin sa akin tapos inilipat niya ang tingin sa waiter na nasa tabi ko, nag-aayos pa rin ng mga pagkain.
Ah, so nakita niya? E, anong pakialam niya? Anong pakialam ko? Kasalanan ko ba kung gusto ko siyang ignorahin? Kasalanan ko ba na palangiti akong tao? Punyemas, Darry!
"Ayaw ko rin naman pong napapagod siya, Dad, but this is what she wants kaya gusto ko ring pagbigyan siya."
Buong lakas kong kinuha ang kamay niya sa hita ko at padarag na binitiwan ito without looking at him.
Saka lang ako nakalingon sa kaniya nang makitang nakamasid si Mommy Felicity sa amin. Ngumiti ako kay Mom at saka nilingon si Darry.
"Thank you for understanding, baby," and I mockingly smiled at him. Mas lalo akong nagbunyi sa kalooblooban ko nang makitang bumalatay ang gulat sa kaniyang mukha.
Ano ka ngayon, gago?
"Oh, my! I told you, Gab, there's a chemistry between the two of them! There's a spark, a hidden spark and a chemistry! You both are so bagay."
Napalingon ako kay Mommy Felicity nang magsalita siya at halata nga sa poise na poise niyang kilos na nagpigil siyang kiligin. Para siyang teenager.
Meron po kaming spark at chemistry, Mom! Hinaluan ng spark ang isang chemical kaya ilang tulak na lang at pareho kaming sasabog sa isa't-isa!
"Oo na, oo na, sinabi mo na. I think we need to eat now if you want a longer time with MJ for shopping later."
Nagsimula nang galawin nila ang mga pagkain at kubyertos kaya nakisunod na rin ako.
"Oo nga pala, we'll go shopping after this, anak. I'll snatch you muna from your husband ha?" Nakangiti pa ring sabi ni Mommy Felicity kaya tumango ako at ngumiti na rin.
I kind of amazed of how Don Gabriel and Donya Felicity treats me right now after what they witnessed during the civil wedding. Medyo, medyo lang naman talaga, may hindi akong tamang nagawa noon pero heto sila't nakangiti, maayos ang turing sa akin na animo'y isang totoong miyembro ako ng pamilya nila. O baka ganito makitungo si Mommy Felicity sa mga manugang niya lalo na't puros lalaki ang kanilang anak. I really thought mga terror sila pagdating sa manugang nila pero sa tingin ko, uhaw din sila sa presensiya ng anak na babae na kailanman ay hindi naibigay sa kanila.
After a few minutes, Daddy Gabriel broke the silence.
"Uuwi ba kayong dalawa sa Negros this weekend for your nephew's birthday, MJ?"
I smiled at him and nodded.
"Yes, Dad, this Friday po ako uuwi."
"Oh? Hindi ba kayo magsasabay na dalawa? Hindi ka ba uuwi, hijo, anak?" Tanong ni Mommy Felicity sa bunso niya.
"Uuwi ako, Mom, hindi lang kami magsasabay ng asawa ko 'cause I need to finish some appointments first before going home but I'll be there on Kansas' birthday."
Ha? Teka, uuwi siya? Bakit hindi ko alam?
Ah, oo nga pala, hindi nga pala kami nag-uusap. And he even knows my nephew's name! I never mentioned it to him! How did he know? Ah, oo nga pala, nakasalamuha na pala niya ang malaki kong pamilya.
"Uuwi rin daw sina balae. And this Thursday ba ang dating nila? After their two months vacation in Pennsylvania."
What? Uuwi na sila Mama? Bakit hindi ko na naman alam?
"Yes, Mom, and didiretso na sila ng Negros from Pennsylvania."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Darry sa akin kaya lumingon din ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
Paanong alam niya pero ako mismong anak nila ay hindi? Ano ba? Anak ba pa talaga ako ng mga magulang ko? 'Wag mong sabihin sa akin na siya lang ang kino-contact nina Mama? What the s**t parents? Blakelyn and Restituto? What the s**t?
"Tita Felicity, Tito Gab! Hi po!" Isang panlalaking boses ang narinig ko matapos ang ilang minutong katahimikan. Abala ako sa pagkain kaya hindi ko ka agad nalingon ang kung sino man ang lumapit sa table namin at bumati sa mga biyenan ko.
"Thibault, hijo! Kumusta na?"
Pun...ye...mas?
Dahan-dahan kong nilingon puwesto ng lalaking iyon.
Punyemas nga!
Noong ma-kumpirma kong siya, halos ma-slide ako sa kinauupuan ko. Unti-unti na ring bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan na naman ako. Gusto kong tumayo, tumakbo, bumalik sa opisina ko, at magkulong doon hanggang sa gumabi. Bakit siya nandito? Uulitin ko... Bakit siya nandito?!
"I'm fine, Tito Gab! Still alive and kicking," sagot niya.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at mariin ang tingin sa table napkin na nasa tabi lang ng pinggan ko.
Bakit niya kilala ang mga biyenan ko?
"Kailan ka pa umuwi? Hindi man lang sinabi ni Charles na nakauwi ka na!"
Anong ginagawa niya rito?
"Last weekend lang po ako umuwi, Tita, and I already presented my proposal for the renovation of your milling yesterday po with Darry and the stockholders."
Bakit siya nagpakita ulit?
"Oh? Another news na hindi na naman sinabi ni Charles sa amin."
Bakit?
"I'm sorry, Mom, I'm still waiting for my wife's comment and opinion about the proposal kaya hindi pa sigurado."
Bakit nga sabi?
"Hindi sigurado? Are you doubting the good hands of the Engineer Thibault Valmayor? The international renowned engineer?"
Kailangan ko ng sagot!
"Hahaha, Tita Felicity naman, I'm so flattered! Pero kilala n'yo naman 'tong bunsong anak n'yo po, hindi pa rin natitibag ang standards nito. Nahihirapan pa rin kami ng mga kaibigan niya na pantayan ang standards nito, e."
Kung bakit kailangang magpakita siya ulit matapos ang mahabang panahon? Bakit?
"I already told you, my wife's opinion is still needed before I confirm the project."
"Hindi ba nakapunta si MJ kahapon sa meeting n'yo?"
"P-Po?" Halos maibalik ako sa realidad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Ano bang pinag-uusapan nila?
Matinding pag-iwas ng tingin ang ginawa ko sa kaniya. Si Daddy Gabriel lang ang bukod tanging tiningnan ko dahil siya ang narinig kong nagsalita kanina.
"She was there," sagot ni Darry.
Napalingon ako sa kaniya, pinipigilan pa rin ang sariling pasadahan man lang ng tingin ang bagong bisita.
"Hija, this is Engineer Thibault Valmayor, Charles' bestfriend."
Isang matinding paglunok ang ginawa ko nang ipakilala ni Mommy Felicity ang lalaking bagong dating.
Ayaw ko man, kailangan ko talagang lingunin siya.
Punyemas. Yes, I know him. I really know him! Thibault Valmayor. Tibor Valmayor. Tibor. The boy who taught me how to fall in love. Punyemas! And what did Mommy Felicity said? Bestfriend? He's not just a simple friend of Darry! He's the punyemas bestfriend! Bestfriend! Malapit na kaibigan! Pinakamalapit na kaibigan! Damn you! Damn it! Damn! Punyemas!
Inabot niya ang kamay niya.
Aabutin ko ba? E, gusto ko ngang takbuhan 'to tapos aabutin ko ang kamay niya?
Punyemas! Ayokong malaman ng mga biyenan ko at lalong-lalo na si Darry ang tungkol sa koneksyon naming dalawa. Dapat lang.
Tinanggap ko ang kamay niya at sa unang pagkakataon, nagawa kong matingnan siya sa mga mata niya.
"MJ. MJ Osmeña," seryosong pagpapakilala ko sa pangalan ko habang nakatitig sa mga mata niya. That same old eyes I used to adore.
"It's Lizares. MJ Lizares." Napabitaw ako sa kamay niya at umiwas ng tingin nang marinig ang boses ni Darry. "She's my wife, Tibor."
Tibor. He calls him Tibor. They are indeed very close. I remembered him saying na ang mga malalapit na tao sa buhay niya lang ang tumatawag sa kaniya ng Tibor and I'm one of them.
"S-She's your wife?"
Napalunok ako nang matindi nang marinig ang gulat sa kaniyang boses.
Hindi niya ba alam?
"Yes, Tibor, she is. Bakit nagulat ka naman d'yan? As if I never told you," sabi naman ni Darry.
"Nothing. I really thought she's one of your stockholders and I didn't know na isang Osmeña ang napangasawa mo. Or nakalimutan ko lang? I don't know."
Hindi niya nga alam. Magkaibigan ba talaga sila?
"Hindi mo ba alam, Thibault?" Sumingit na sa usapan si Mommy Felicity.
"I remember them mentioning me about Darry's wedding but nawala po sa isipan ko kasi masiyado po akong maraming projects that time."
"Reasonable enough for an international renowned engineer like you, Engineer Valmayor," puri ni Daddy Gabriel sa kaniya kaya napainom ako sa tubig.
Ang layo na ng narating niya. Mahirap nang abutin.
"Um, excuse me po, punta lang po akong powder room." Magalang akong nag-excuse sa kanila para makaalis na sa napaka-high tensioned situation na ito. Tumayo na rin ako para wala nang makapigil.
"Samahan na kita."
Ugh! Epal!
Kinalma ko ang sarili ko at nginitian si Darry at magalang na tumanggi.
"Hindi na, I can do it," assurance ko sa kaniya. "Excuse me po, Mom, Dad, E-Engineer Valmayor," bahagya akong yumuko at dinala ang handbag ko at naglakad papuntang women's comfort room ng restaurant.
Pagkapasok ko sa comfort room ay dumiretso na ako sa isang cubicle at agad sinarado iyon.
I stared at my mildly trembling hands and hinabol na rin ang aking hininga. I am so punyemas frustrated! I want to cry but I can't! Ayaw lumabas ng mga luha ko na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
I close the lid of the toilet bowl and sat down there. I silently stared at the back door of the cubicle as the memories came rushing in.
~