Chapter 19.2: The Tears That Shed (Part 2)

3427 Words
"Did you enjoy the tour?"   Kalalabas lang namin sa huling proseso ng paggawa ng asukal nang magtanong siya. Pabalik na kami sa admin building at natanggal na rin ang mga ipinasuot sa amin kanina para raw sa protocol or whatever.   "Yeah! Very impressive!" Cool kong sabi habang tinitingnan sa malayong parte ang marami at malalaki at mahahabang mover or trucks na nagkakarga ng tubo galing sa mga transloading nila na nagkalat sa iba't-ibang bahagi ng probinsiya.   Naalala ko tuloy 'yong business ni Tito Rey, Papa's youngest brother, 'yong Osmeña Trucking Services. Under din 'yon ng Osmeña Business Empire.   Nasa isang canopy kami, naglalakad, at ang daang ito ay ang nagdudugtong sa mismong milling at sa admin building nila. Huminto ako saglit para klarong mapagmasdan ang iba't-ibang truck. Naramdaman ko rin ang pagtigil niya kaya bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.   "'Pag nag-merge na ba ang Osmeña at Lizares, makaka-deliver na rin ng tubo ang mga truck ni Tito Rey dito?" Out of curiosity, I just ask that question.   "Yes, it's automatic since your Tito Rey's Trucking Services also caters sugarcane trucks kaya mabibigyan na ng slot to operate here ang negosyong iyon. Malaki rin ang magiging hatak ng mga connection ng Tito mo when it comes to trucking services sa negosyo namin." Sagot naman niya.   Tumango-tango ako habang nakamasid pa rin sa mga naglilinyahang truck papasok sa malawak at medyo magulong compound ng milling nila. Puno ito ng mga tubo at pare-pareho sila ng kulay: mustard yellow na may sign na malaking L sa gilid ng pinto at sa mismong kaha.   Tito Rey's trucking services are all color blue and they operate on small time and big time hacienderos na kailangang magkarga ng mga tubo nila. Sa pagkakaalala ko, gustong makapasok ni Tito sa milling na ito kaso may sarili silang mga truck kaya hindi niya noon nagawa. Pero nang dahil sa merging na ito, his dreams will be put into possibility.   "Good to hear that," nakangiti ko pang sabi. "And oh, by the way, kailan ba ang off-season? Pansin ko sunod-sunod ang pagpasok ng mga truck niyo, a?"   Off-season is the time when the central or the milling company stop on accepting sugarcanes. Stop din maski ang pag-harvest ng tubo. Walang ganap ang mga haciendero sa mga buwan na iyon. Tag-hirap sa probinsiya namin kung tawagin nila.   "First week of July. Kaonti pa nga lang 'yan sa usual na truck na pumapasok dito araw-araw."   "Baka naman wala na halos may nagpapa-harvest ng tubo nila?"   "Hindi ganoon, ngayon ang peak season no'n sa taong ito pero humihina ang pasok sa amin dahil sa bagong tayong milling company sa Victorias."   "Ah, ganoon ba? Sana nga makabawi na kayo, 'no?"   Punyemas ghorl! Patanong-tanong lang ako pero lumilipad na ang utak ko kung saan-saan.   Okay naman pala siyang kausap. Matino. Akala ko suplado. Parang suplado kasi noong mga nakaraang impression ko sa kaniya.   "It's almost lunch, where do you want to eat?"   "Sa canteen n'yo na lang. Okay naman mga foods n'yo ro'n, e."   Ay sandali! Mayaman na mayaman nga pala itong kasama ko. Hindi yata sanay sa mga simpleng kainan lang, mali yata ang naging tanong ko.   "I mean... sige, kahit saan, ikaw bahala," pambabawi ko bago pa man siya makasagot.   "Gusto mo ba talaga sa canteen? Maraming workers ang doon nagla-lunch ngayon."   Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinikom na muna ang bibig ko.   Right... kanina ko pa napapansin ang atensiyong nakukuha ko sa loob ng milling. Puros lalaki kasi ang nagtata-trabaho roon at wala akong nakitang maski isang babae. Napapatingin sa akin at humihinto pa sa ginagawa para lang masundan ako ng tingin. I draw so much attention but I won't mind. As long as hindi naman nila ako binabastos, wala akong pakialam. Tingin lang sila, wala namang mawawala sa akin.   "Kahit saan basta may pagkain, okay ako."   I'll let him decide. Masiyado kasi akong nasanay sa college days ko na pati sa isang simpleng karinderya ay kinakainan ko kasama ang engineering friends ko...   Speaking of... kumusta na kaya sila? Nabalitaan kaya nila? The news spread like wildfire pa naman sa probinsiya namin kaya hindi na ako magtataka kung malalaman nila agad noong gabi pa lang ng engagement. Nanghihinayang lang ako kasi hindi man lang ako nakapag-explain sa kanila.   "Okay ka lang?"   "H-Ha? Oo, may naisip lang." Peke akong ngumiti sa kaniya at inunahan na siya sa paglalakad.   Agad din naman siyang sumunod.   "Okay, we'll eat in Chick 'n Belly then."   "Sure, no problem," because I'm thinking of the same. Isn't it odd?   Una, soccer. Pangalawa, choice of restaurant. Pangatlo, masiyado kang OA, MJ. Lahat na lang talaga bibigyan ng meaning? Ano ka, high school student? Tumigil ka nga. Punyemas!   Ngumiti ako ulit sa kaniya kahit na wala naman kaming napag-usapan na. Ewan ko ba. Baka kasi mind reader pala ang isang 'to, tapos naririnig pala niya ang laman ng isipan ko. Doomsday ko na talaga kapag nagkataon.   Palabas na sana kami sa admin building nang biglang may bumaba sa hagdan. Mas naunang naglakad si Darry at nasa likuran lang ako kaya siya ang unang tumigil, sunod naman ako. Hindi ko pa alam no'ng una kung bakit siya tumigil pero nang bahagya akong sumilip kung anong nangyayari... halos matigilan din ako.   "Kuya..." Unang bati ni Darry.   Nag-iwas ako ng tingin at inisip na isa akong palamuti sa pader, hindi dapat napapansin.   "Magkasama pala kayo."   Napalunok ako dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Sonny.   Okay na naman ako at hindi na big deal sa akin ang nangyari noong nakaraan, pero bakit sa tuwing nakikita ko siya ay may bumabalik?   "Galing ka ba sa opisina?"   Hindi pinansin ni Darry ang sinabi ng kapatid niya kaya mas lalo akong na-tense. Punyemas na 'to.   "I just want to give you the report. Inilagay ko na sa table mo."   "You should've given it to me sa bahay. Nagkikita naman tayo roon."   "Maaga ka kasing umalis kaya hindi na kita naabutan. Aalis din ako mamaya kasama si Ayla."   Edi go! Kailangan talagang iparinig sa akin? Wala na naman akong pakialam!   "Sige, baka hinihintay ka na ni Ayla."   "Sige... ingat kayo."   "Kayo rin."   Sa buong pag-uusap nila, hindi talaga ako nangahas na tingnan si Sonny. Ang awkward kaya!   "Tara na?"   "S-Sige."   Sumunod ako sa kaniya palabas ng building. Naabutan pa namin si Sonny na papasok na sa kotse niya kaya mas lalo akong nanahimik habang pinagbubuksan ako ni Darry ng pinto.   Isasarado na sana ni Darry ang pinto ng front seat nang biglang magsalita na naman si Sonny.   "Saan kayo magla-lunch?"   I fight the urge to look at him. Hindi na naman ako nandidiri or whatsoever. Umiiwas lang talaga ako.   Ang awkward pala nito? Punyemas ang awkward talaga!   "Chick 'n Belly."   "Okay."   Ang sunod kong narinig ay ang pagsarado ng pinto ng kotse niya at ng pintuan sa gilid ko.   I heavily and harshly sighed habang hindi pa nakakapasok si Darry sa loob. Nang makapasok siya, I compose a smile para malaman niyang okay lang ang lahat.   Ang awkward! Sa tanang buhay ko, sa lahat ng lalaking kinalantari ko, ngayon lang ako na-awkward na makita ang dating fiancé kasama ang bagong fiancé, and to think na magkapatid sila, nakatira sa iisang bubong, makes me shiver. I don't know!   Hanggang sa makarating kami sa resto na sinasabi ni Darry, halos 'yon pa rin ang iniisip ko pero winala ko muna habang nakatingin sa resto'ng pinasukan namin. It's one of my favorite kainan here in our ciudad. It's near my old school kaya it became our favorite kainan tuwing tanghalian dati.   Hindi ko nasundan ang mga in-order ni Darry dahil para pa rin akong natulala sa pagkikita namin ni Sonny kanina. Hindi naman sa apektado ako pero ang awkward pala na ano... punyemas! Umayos ka nga, MJ, kung ayaw mong bitinin kita patiwarik.   Dahil Sabado ngayon, may iilang customer ang kumakain ngayon sa Chick 'n Belly. May iilang grupo na nag-i-enjoy sa boodle platter na siyang pinakapatok na menu ng resto. Meron ding naghihintay pa ng order katulad namin. Ang iba naman ay kumakain na.   Abala ako sa pagtingin sa paligid at dahil isang Lizares ang kasama ko, ayon at pinagtitinginan siya ng lahat. Siguro, kailangan ko nang masanay na sa tuwing nasa public place kami, hindi talagang maiiwasan na may mapatingin sa kaniya. Kung kilala mo siya bilang isang Lizares, talagang titingnan mo siya. Kung hindi naman, titingnan mo pa rin siya kasi sa pisikal na anyo na meron siya.   I pouted and look at the girl who are obviously ogling on him even with my presence. Punyemas! Hindi ba nila alam na ikakasal na ang lalaking 'yan? Dapat alam nila!   Teka, paano kung mga ordinaryong tao lang sila na wala namang pakialam sa business world? Hindi ko nga sila kilala, e, kaya sa tingin ko mga ordinaryong tao lang din sila. Pero dapat alam pa rin nila!   I pouted more and pa-simpleng sinamaan ng tingin ang mga babaeng nasa paligid namin.   Teka nga, MJ! Baka crush lang din nila siya? Crush mo nga, e.   Sige na nga, pagbibigyan ko na sila sa patingin-tingin nila. Hanggang tingin lang din naman sila. Blee.   "Are you hungry na ba?"   "Ha?"   Punyemas.   Mariin kong itinikom ang bibig ko nang kausapin na ako ng lalaking pinapantasiyahan ng lahat. I surpress a smile.   "Hindi, a, hindi pa ako gutom." Rason ko naman para hindi niya malaman kung anong iniisip ko.   Isang matinding tikhim ang ginawa niya bago siya gumalaw sa kinauupuan niya. Mukhang may kinuha siya sa bulsa ng shorts niya. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin sa TV para hindi na makita ang mga babaeng malagkit na nakatingin sa kaniya. Akala naman nila makukuha talaga sa tingin 'tong lalaking ito.   Nasa likuran ni Darry ang direksyon ng TV kaya kahit anong iwas ko, nakikita talaga ng peripheral vision ko ang mga ginagawa niya. Tama nga ang hinala ko, meron nga siyang kinuha sa bulsa ng shorts niya at nakayuko na siya ngayon habang inaayos ito.   Gusto kong i-concentrate ang mata ko sa TV pero masiyado talagang nakaka-distract ang ginagawa niya.   Ano ba 'yan? Phone?   "Wear this."   Dahil nga distracted ako sa ginagawa niya, agad kong nahanap ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong ipapasuot niya.     "Ang ano?" Nakatingin pa rin sa mga mata niyang tanong ko kahit na nakikita na naman sa peripheral vision ko na naka-angat na ang kamay niya at may hawak ito. Ayoko lang i-confirm kasi alam kong may sasabog na naman sa sistema ko kapag ginawa ko.   "This..." Sabay pakita sa akin nang kung ano ang hawak niya.   Holy s**t! Punyemas! s**t! Totoo ba 'to?   "Ano 'yan? Anong gagawin ko r'yan?"   Ewan ko ba. Bigla akong nataranta kaya para makalma ang sarili ay suminghap ako at pilit tiningnan ang mga mata niya pero masiyado itong seryoso.   "It's an engagement ring. I should've given it to you the day of the party and the pamamanhikan kaso alam kong magulo pa ang utak mo kaya ngayon ko ibibigay sa'yo.”   Napasinghap ulit ako at pilit na ngumiti sa kaniya.   “Is that even necessary?”   “Yes, because we’re engaged.”   Isang singhap ulit para pakalmahin ang sistemang naghuhuramentado.   Pinilit kong tumawa para maibsan man lang kahit ang kaonting tension sa sistema ko. Sunod-sunod na nagsiputukan ang fireworks sa loob ko. Saan ba kasi galing ang mga ito?   “Ako talaga maglalagay?" Pagbibiro ko na tinawanan ko pa. Pero siya, nanatiling seryoso kaya napatikhim ako at inilahad ang kamay ko. "Akin na."   Hindi niya ibinigay sa akin ang singsing kaya kukunin ko na sana nang bigla niyang kinuha ang left hand ko at marahan at buong ingat na inilagay ang singsing sa left ring finger ko.   Which is s**t! s**t!   Boom!   Rumaragapak na paputok ang naramdaman ko sa loob ng sistema ko na sinabayan pa ng mabilis na pagtibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay halos kapusin na ako ng hangin, halos mapagod ako kakahabol. Bakit...   Tulala akong napatingin sa singsing na nasa daliri ko na. Totoo ba 'to? Baka nananaginip lang ako?   Kung hindi lang ako nakarinig ng palakpakan ay baka habang buhay na akong napatulala sa singsing na 'yon.   Teka, sandali, wait, taysa... palakpakan?   Akala ko magugulantang na ako sa singsing. Mas nakagugulantang ang palakpakan sa loob ng resto kaya halos lumuwa ang mata ko kakatingin sa mga taong nakatingin na sa amin.   "Punyemas?"   Lumingon ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin, hindi man kasing lawak ng usual kong ngiti, pero nakangiti talaga siya. Isang totoong ngiti.   What the s**t!   May mga naririnig akong usapan, may nagko-congratulate, I even saw the girls kanina na napangiwi na. Pilit akong ngumiti sa lahat. Wala akong masabi.   "Pa-Paano nila..."   "Tss, just eat your food, MJ."   Doon ko nakita na may pagkain na sa hapag namin. Siguro sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na dumating na pala ang order namin.   Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit na maya't-maya ang sulyap ko sa daliri kong nilagyan niya ng singsing.   Sobrang ganda ng ring. Hindi masiyadong makapal ang mismong singsing at sakto lang ang size ng diamond. Bagay na bagay sa payat kong daliri at not to mention na saktong-sakto ito sa size ko.   Paano niya nalaman?   Ah, si Mama at Papa. Okay.   Sinipat ko ng tingin ang ring. Kung hindi ako nagkakamali, Tiffany and Co. ang brand nito. Rose gold ang kulay ng ring. Ang cut ng yellow diamond na nasa ring ay cushion cut. Simple pero maganda. Simple pero may itinatagong elegante. The Osmeña trademark: Simple pero elegante. Simplex, sed munditer.   Naks, ang dami talagang trademark ng Osmeña.   "Do you like it?"   Paihim akong napasinghap nang marinig na naman ang baritono niyang boses na hinding-hindi na yata mawawala sa sistema ko.   "It's beautiful. How much is this?" Pinasadahan ko ulit ng tingin ang ring. Ang ganda talaga niya.   "Is that even important?" Parang bored niyang sagot.   Ipinagpatuloy ko ang pagkain at sinulyapan muna siya bago nagsalita.   "Oo naman! Alam naman nating dalawa na freeze pa kayo sa pagbili ng kahit anong gamit at properties that cost a fortune. Unless, Mama and Papa bought it?"   Oo, tama, sina Mama lang ang bumili nito.   "They didn't."   "E, sino? Si Tita Felicity? Ang ganda kasi."   "I can't give you the family heirloom kaya I just bought an engagement ring for you."   Boom.   "T-Talaga? Bakit ikaw 'yong bumili? 'Di ba dapat si Sonny kasi siya naman ang unang ipinagkasundo sa akin?"   Pahina nang pahina yata ang boses ko. Punyemas.   "Gusto mo ba ulit si Kuya bilang fiancé mo?"   Punyemas! Matinding paglunok ang nagawa ko nang sobrang seryoso niya sa tinanong niya.   "H-Ha? Hindi, a. Parang nagtatanong lang, e," depensa ko at pilit na ginalaw ang pagkain ko.   "He's out of this, MJ, kaya dapat lang na hindi na natin siya pag-usapan."   "O-Okay. Pasensiya na."   Maisingit lang talaga si Sonny, MJ, 'no? Por que nakita kanina?   "MJ? MJ Osmeña?"   Ha?   Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko, tapos ay lumapit pa sa lamesa namin. Malawak ang ngiti niya kaya nang makilala ko siya, mas lalong lumawak ang ngiti ko.   "Serg? Nakauwi ka na pala?"   He spread his arms for a hug kaya tumayo ako para yakapin siya.   "I miss you too, MJ!"   Panandaliang  yakap lang kasi sinapak ko na agad.   "Seryoso kasi! Kailan ka pa umuwi? Kabababa mo lang ba sa barko?"   "Oo! Noong isang araw lang. Galing pa akong Manila kaya ngayon lang ako nakauwi sa ciudad natin."   I pinched his cheeks.   "Nag-mature ka, a? Mahirap ba ang trabaho sa barko?" Puna ko sa iilang pagbabago sa mukha niya. "Nagkita na kayo ni Lorene?" At sumilay sa labi ko ang isang nakalolokong ngiti na nagpabusangot sa kaniya.   "Psh. Totoo ba 'tong nabalitaan ko? Isasakal- I mean, ikakasal ka na raw?"   Tumikhim ako at malawak na ngumiti sa kaniya bago nilingon si Darry.   "Sandali lang, Dar, ha? Mag-uusap lang kami ng kaibigan ko." Bahagya kong nilingon si Darry at hindi na hinintay na sumagot pa siya at kinaladkad na si Serg palabas ng resto.   Si Serg naman ay halatang nagulat sa ginawa ko.   "Teka, si Darry Lizares 'yon, a? So, totoo nga?" Inirapan ko si Serg sa tanong niya nang makalabas kami sa resto. "So totoo nga, MJ, na ikakasal ka na? Hindi talaga nagbibiro si Steve?"   "Bakit naman magbibiro si Steve tungkol sa kasal ko?"   "Damn! Kilala mo naman 'yong pinsan mo, loko-loko 'yong gago, hindi mo malaman kung anong biro at kung ano 'yong hindi, e."   "Oo na, magpapakasal na 'ko!"   "s**t? Damn!" Napasinghap siya at nag-iwas ng tingin. Napatulala pa nga siya sa kabilang side ng daan bago lumingon ulit sa akin. "Una, nakaka-shock na malaman na magpapakasal ka na. You are MJ Osmeña! The MJ Osmeña na hindi nagbo-boyfriend pero maraming lalaki sa buhay! Kaya pala ayaw mo ng boyfriend kasi diretsong kasal ka pala?" At humalakhak siya sa sinabi niya na nginiwian ko naman. Loko-loko rin 'tong gagong 'to, e.   "Pangalawa, magpapakasal ka na nga lang, sa isang Lizares pa."   "E, ano naman ngayon?"   "Ulul, MJ! Nasaan na 'yong 'the Lizares are untouchables' mo?" He mock me sabay tawa ulit.   Hindi nga ako sinabihan ng mga kaibigan ko n'yan, binagsakan naman ako nang ganoong linya ni Serg na kaibigan lang naman ng pinsan kong si Steve at dating kasintahan ng kaibigan kong si Lorene. Punyemas.   Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga pinagsasabi niya.   "It's a marriage for convenience, Serg, don't put some feelings on it."   "Damn! Isa pa 'yan. Talagang ikaw ang kakaiba sa mga pinsan mo, e, 'no? Ikaw yata ang black sheep sa mga Osmeña, e.”   “Hindi ako ang black sheep, silang lahat ang black sheep kasi ako lang ang bukod tanging sumunod sa tradisyon ng pamilya namin.”   “’Yong family tradition n’yong masiyadong makaluma? Damn, MJ! That doesn’t exist anymore, hindi na uso ‘yan, woy. Be modern naman.”   “Ewan ko sa’yo, Serg. Seaman ka na’t lahat, hindi ka pa rin nagbabago, may pagkagago ka pa rin.”   Pareho kaming natawa sa sinabi ko.   “Pero seryosong usapan. Uuwi sana si Brey, susubukan daw na pigilan ‘yong kasal mo.”   “Ha? Bakit naman niya pipigilan? Bakit naman siya uuwi? ‘Di ba maganda na ang buhay niya sa Australia?”   “Kasi akala niya ito na ang tamang oras para i-pursue ka.” Seryoso pero nakangiting sabi ni Serg.   Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dadaanin ko ba sa biro o kung ano pero at the end of it, pareho naming tinawanan ni Serg ang sinabi niya.   Punyemas, Brey, don’t ever do that! Kasi sa tingin ko, wala na talagang makapipigil sa akin para ipagpatuloy ‘to.   “May pangatlo pa pala akong sasabihin.”   “Ano na naman ‘yan?”   “Sa lahat ba naman ng Lizares na puwede mong pakasalan, ‘yon pa talagang si Darry, ano?”   “E, ano naman ngayon kung siya?”   Serg shifted his weight and look at me intently.   “Ewan ko kung naaalala mo pa pero minsan na naming na-bully ‘yang si Darry. No’ng mga panahong akala namin ay hindi siya isang Lizares at walang naniniwalang Lizares nga siya.”   Now, he got my full attention.   “Teka, bakit n’yo naman bu-bully-hin ‘yon?”   “Because he was, back then, a nerd. Nakalimutan mo na ba? Minsan mo pa nga’ng ipinagtanggol ‘yan sa amin, e.”   “Nagawa ko ‘yon?”   “I guess you forgot, but yeah, nagawa mo nga ‘yon. Ipinagtanggol mo siya nang sabihin naming may gusto siya sa’yo noon.”   Ano ‘yon? Ha?   ‘May gusto siya sa’yo...’   May gusto siya sa akin?   Kumalabog na naman ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Gusto ko pero may parte sa akin na ‘wag, baka prank lang ni Serg. Pero seryoso siya, e.   Nilapitan ko si Serg, hinawakan ang magkabilang pisnge, at seryoso siyang tiningnan.   “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?”   “Oo-”   “I think you’re invading her personal space. We all know na ayaw ng ibang tao na ma-invade ang personal space nila.”   Punyemas.   “See, I told you.”   Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa pisnge ni Serg at seryosong tiningnan si Darry na nasa likuran ko.   Punyemas! That’s my punyemas line! Siya ba ‘yon? ‘Yong nerd? ‘Yong nerd na ‘yon?!   ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD