“At sana ‘wag ka nang umalis pa, hija,” ani Don Gabriel. “Opo, Tito Gabriel,” medyo nahihiyang sagot ko naman sa kaniya na bahagya niyang tinawanan. So, that was suppose to be a joke? Nang humupa ang panandalian nilang tawanan, naibalik ko ang tingin ko kay Donya Felicity. “Pero sana, hija, hayaan mo si Darwin na bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa mga bata.” “Opo, hahayaan ko po siya.” Akala ko magiging ma-drama ang pag-uusap naming iyon ng Don at Donya. Akala ko ipapa-explain nila sa akin kung ano ang mga nangyari kung bakit ganito, bakit ganyan. I guess they knew it already? And whatever my reason, they accept it? Mas okay na siguro ‘yon, para less drama sa buhay. Nag-set up si Darry sa malaking TV nila rito sa kanilang living room. Ipapakita raw kasi niya

