OBSESSION ENTRY # 15 Anong nangyari? Anong g-ginawa ko? o tamang sabihing g-ginawa ko ba talaga iyon? walang kalakas lakas kong iniangat mula sa aking harapan ang aking kaliwang kamay kung saan my benda ang aking palapulsuhan.. kahit ilang ulit kong ipikit at imulat ang aking mga mata talagang nandoon ang ebidensyang tinangka kong kitilin ang aking buhay.. Alam kong oras na maghilom ang sugat na aking ginawa.. mananatiling paalala sa akin ang peklat na mamarka doon.. H-Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang galit na aking nararamdaman kay Xander.. at ang b-batang n-nasa aking sinapupunan.. a-anong nangyari? a-anong k-katangahan ang aking ginawa?!! W-wala.. walang kasalanan ang a-anak namin.. wala.. a-anong ginawa ko? anong nangyari? Paulit ulit kong tanong sa aking isipan.. sa nangin

