OBSESSION ENTRY # 17 Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwartong kanyang kinalalagyan.. pero kumunot ang aking noo ng wala kong makitang Jasmine doon, mabilis ko tuloy nilakad ang kamang kanyang kinahihigaan kanina.. I swear to God.. iniwan ko lang siya kaninang tulog dito.. No!!! No!! hinding hindi niya gagawin ang umalis ng hindi nagpapaalam sa akin.. hindi siya aalis.. hindi niya gagawin iyon.. kausap ko lang siya kanina.. but at the back of my mind.. alam ko.. alam kong wala na siya.. sa mabilis na t***k ng aking puso.. alam kong nasalisihan niya ako.. pero gusto ko pa ring umasa na nandito lang siya.. sa nanginginig kong tuhod tinungo ko ang banyo ng silid ng kanyang kinalalagyan dahil baka nandoon lang siya.. pero bigo ako.. wala akong nakita.. s**t!! s**t!! I should have k

