OBSESSION ENTRY # 21 " Let go of my wife, damn you!!!!!!!!" "A-Alexander, p-please.. c-calm down and l-lower your voice.. n-nasa loob lang si Dria.." para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig dahil sa nakikita kong takot sa kanyang mukha idagdag mo pa ang pagkakabanggit niya sa pangalan ng aming anak. s**t!! s**t!! tumalikod ako sa kanila at paulit ulit kong pinadaanan ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.. kulang na lang malagas iyon sa sobrang inis ko.. na parang sa paraan na iyon.. kakalma ako.. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Lean sa aking harapan, ang kanyang mga mata ay puno ng warning na parang nagsasabing mali na naman ang ginawa ko.. totoo naman yun.. totoong totoo iyon.. nagtagis ang aking bagang dahil sa inis ko sa aking sarili.. pagdating talaga sa kanya.

