Chapter 12
MADILIM pa sa labas nang imulat ko ang aking mga mata. Anong oras na nang makatulog kami kagabi. Paulit ulit naming ginawa parang walang kapaguran ang aming mga katawan.
Madaling araw palang gising na ako at hindi na makatulog. Tinignan ko ang asawa ko, himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.
Habang natutulog pinagmamasdan ko siya at hinahaplos haplos ko ang kanyang mukha. Napangiti ako, napaka aliwalas nang kanyang mukha, napaka ganda talaga nang asawa ko sabi ko sa isip. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya o kahit nasa harap ko siya.
Nakahiga pa rin kami pareho sa kama, nakaharap siya sa’kin habang yakap ko ang kanyang baywang. Naka-awang pa ang kanyang mga mapupulang labi, kaya natutukso akong halikan siya.
Ginawaran ko nalang siya nang banayad na halik nang hindi ko siya magising. Nakakaadik ang lambot nang kanyang mga labi, natigilan ako nang sandali siyang gumalaw.
Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa'min kagabi. Hindi ko na naman mapigilan na mapangiti at pamulaanan nang mukha.
Alam kong wala siyang karanasan sa bagay na yun pero ipinagawa ko pa rin sa kanya. Kaya walang mapagsidlan ang saya ko nung ginawa niya na walang pagtutol.
Para akong mababaliw kagabi nang gumalaw siya sa ibabaw ko. Habang hindi pa siya nagigising malaya kong pinagsawa ang mga mata ko sa mala anghel niyang mukha.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko siya at asawa ko na ngayon. Hindi ko mapagsawaang titigan siya. Kahit araw araw ko na siyang kasama sabik na sabik pa rin ako sa kanya, sa mga yakap sa mga halik niya.
Hindi ko alam ang nangyayari sa’kin. Bawat oras bawat segundo siya lang lagi ang laman nang isipan ko. Ang mabango niyang amoy, makinis niyang balat, ang magaganda niyang ngiti, mga labi na kay sarap halik halikan, pauulit ulit na bumabalik sa isipan ko.
Ayoko siyang gisingin alam kong napagod ko siya kagabi. Kaya hinayaan ko siyang matulog pa. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago ako nagpasyang bumangon.
Tumapat ako sa dutsa nang tubig at hinayaan kong pawiin nang tubig ang init na nagsimula na namang bumalot sa’king katawan.
Hindi ko maintindihan madikit lang nang konti ang balat ko sa kanya nag iinit na ang katawan ko. Naka ligo na ako pag labas ko nang banyo nakita kong ang sarap pa rin nang tulog ng asawa ko.
Nilapitan ko siya para gisingin na sana nang biglang tumunog ang phone ko.
Tinignan ko saglit, nakita kong tumatawag si Mama kaya dali dali akong umalis at pumunta nang veranda para hindi magising ang asawa ko. Isang buntung hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinagot.
"Hello ma!"
"Lawrence! kailan mo ba talaga balak pumunta na dito? Naiinip na ako anak."
"Ma, malapit na pong matapos ang pasukan kaya huwag na po kayong mainip." sabi ko nalang. Marami pa siyang sinasabi sakin ngunit hindi ko masyadong maintindihan.
Pagkatapos naming mag-usap ni mama pumasok ulit ako nang kwarto muli kong pinagmasdan ang natutulog pa ring si Gianna. Hindi ko mapigilang magpakawala nang isang malalim na buntung hininga.
Ang totoo hindi ko pa nasasabi kay Mama ang tungkol sa'min. Na nagpakasal na kami at may asawa na ako. Nagaalala ako at iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon niya. Alam kong magagalit siya lalo pa't hindi pa kami tapos mag-aral na dalawa.
Hindi ko rin alam kung matatanggap ba siya ni Mama dahil hindi siya kabilang sa mga may kayang pamilya. Kung sakali mang tumutol siya ipaglalaban ko siya lalo na ngayon asawa ko na si Gianna.
Ayaw kong sabihin sa kanya sa phone. Balak kong ipakilala at sabihin sa kanya nang personal ang tungkol sa'ming dalawa ni Gianna.
At naisip kong sabihan siya kapag nakagraduate na ako. Alam kong ako ang hinihintay ni Mama para magpatakbo sa naiwang negosyo ni Papa.
Hindi ko sinabi sa asawa ko na balak kong isasama siya pag pumunta ko nang ibang bansa.
Napansin kong bahagyang gumalaw ang asawa ko at dahan dahang iminulat ang kanyang mga mata. "Lawrence! Ang aga mong nagising, anong ginagawa mo dyan?"
Lumapit ako at umupo sa kama "Good Morning babe! wala kapapasok ko lang nagpahangin lang ako sa labas." sabi ko nalang.
Tinitignan ko siya habang pupungas pungas na tumayo "Kanina ka pa ba gising? bat hindi mo ako ginising?." sabi niya sa paos na tinig.
"Hindi muna kita ginising para makabawi ka nang lakas, alam kong napagod ka kagabi." Naalala ko bigla ang mga ginawa namin kagabi, at nakita kong pinamulaanan siya nang mukha.
“Kasalanan mo pinagod mo ako.” sabi niya nang nakalabi.
Ngumiti ako at niyakap ko siya. "Tsaka wala naman tayong pasok ngayon kaya okey lang matulog ka nang matagal babe."
Tumayo siya bigla "Ano kaba Lawrence! Hindi ba sabi mo kahapon papasyal tayo samin?"
"Oo nga pala nakalimutan ko! Pasensiya na," nakalimutan ko nga nangako pala ako kahapon na papasyal kami tutal wala naman kaming pasok ngayon.
"Doon nalang daw tayo kumain sabi ni Mama."
"Oh sige maligo kana at maghanda nang makaalis na tayo habang maaga pa." Dumiretso na siya nang banyo para makapag handa para makaalis na kami kaagad.
Palabas na ako nang gate nang may mamataan akong isang itim na sasakyan sa harap nang bahay. Parang ito rin yung sasakyan kahapon sa harap nang University, pero hindi pa ako sigurado.
"Lawrence bakit?" tanong sa’kin nang asawa ko habang palabas kami nang gate dahil huminto muna ako at sinilip kung kilala ko ang may ari nang sasakyan. Ngunit hindi ko makita kung may tao sa loob o wala.
"Ah wala may sasakyan kasi sa harap tinitignan ko kung kilala ko." Sabi ko nalang, hanggang makalampas na kami ipinagwalang bahala ko nalang.
Pagdating namin sa kanila nasa gate palang kami kitang kita kona ang tuwa sa mukha ng mga magulang niya. Ang sarap sa pakiramdam na tanggap nila ako kahit na hindi nila ako masyadong kilala.
Naalala ko bigla si Mama! sana tanggapin din niya ang asawa ko sana katulad din siya nang mga magulang ni Gianna.
"Mano po nay."
"Mano po tay." binigay naman nila ang kanilang mga kamay.
"Pumasok na kayo sa loob, tamang tama nakahain na rin sabay sabay na tayong kumain." sabi ni mama habang papasok kami sa kusina.
Pagdating namin nakahanda na nga ang mesa nakaupo na rin si ate Candy.
Tumayo siya nang makita niya kami “Tamamg tama lang ang dating niyo umupo na kayo rito.”
Pagkatapos naming kumain tumulong ang asawa ko sa paglilinis at pagliligpit sa kusina. Samantalang ako inaya na ni Papa na pumunta nang sala para makapagkwentuhan.
Magkalapit lang ang sala at kusina kaya malaya ko silang natatanaw. Nang tignan ko sila ulit tapos na sila sa kanilang ginagawa. Masaya silang nagkukwentuhan sa kusina.
Pinagmamasdan ko ang asawa ko at napapangiti siya habang kinukwentuhan ni Mama, nakapako lang ang mga mata ko sa kanya parang wala akong ibang nakikita.
Hindi ko namalayan na nakatingin din pala si Papa sa’kin "Ang ganda nang anak ko diba Lawrence!?." nabigla ako at binaling ang tingin ko sa kanya.
Tumango ako habang may ngiti sa labi "Opo napakaganda nga po niya." sang ayon ko pa.
"Alam ko Lawrence na napakabata pa niya at marami pang hindi alam sa buhay may asawa, kaya ikaw na sana ang bahala umunawa sa kanya, ah Lawrence. Asawa mo na siya ngayon gusto kong ingatan mo siya at mahalin."
"Makakaasa po kayong gagawin ko yan Pa."
Tumango tango siya "Salamat."
Ilang minuto lang ang nakakaraan "Lawrence! umiinom kaba,? samahan mo naman akong uminom." tanong sa'kin ni Papa nang nakaupo na kami at nanonood ang TV sa sala.
Nahihiya naman akong tumanggi at sabihing hindi "Opo sige po"
"Inom tayo kahit tig-dalawang bote lang ah!."
"Sige po Pa." Tumayo si Papa at kumuha nang maiinom sa ref pag balik niya ibinigay sa'kin ang dalawang bote.
"Salamat po Pa." sabi ko nang kunin ko sa kanya ang mga alak.
Habang umiinom kami tinanong ako ni Papa "Wala pa ba kayong balak na mag-kaanak Lawrence iho?"
Nabigla ako nang itanong sa'kin ni Papa iyon. “Po?”
"Ayaw pa po ni Gianna Pa! gusto daw po muna niyang makapagtapos nang pag-aaral." sabi ko nalang.
Ngumiti muna siya bago ulit nagsalita "Nasasabik na kasi akong magkaroon nang apo, tsk.. tsk.., masarap daw kasi ang magkaroon nang apo."
Hindi na ako nagsalita gusto ko pa sanang sabihin kay Papa na gusto ko na ring magkaroon nang sarili kong anak. Si Gianna lang ang inaalala ko dahil hindi pa daw siya handa sa bagay na iyon. Habang nag-iinuman kung anu ano lang ang napagkukwentuhan namin dalawa, kung paano kami nagkakilala nang anak niya at kung gaano kakulit si Gianna nung maliit pa siya.
Tinanong din ang mga magulang ko at magalang ko namang yung sinagot. Napansin siguro nila na umiinom kami kaya lumapit sila sa’min.
Tinabihan ako nang asawa ko at yumakap siya sa’kin "Pa! baka hindi po kami makauwi ni Lawrence, baka malasing siya." sabi niya kay Papa.
Nasa tabi na din ni Mama si Papa, habang si ate Candy nakamasid lang sa’min "N-naku ilang bote lang naman anak gusto ko lang makainuman itong asawa mo. At tsaka kahit hindi kayo makauwi may kwarto naman diyan. Yung dati mong kwarto wala namang gumagamit, kaya pwede kayong matulog dito kahit kelan niyo gusto." mahabang paliwanag ni Papa.
"Siya nga naman Gianna anak! pag-bigyan mo na silang uminom, madalang lang naman mag kasama ang tatay at asawa mo." segunda ni Mama sakin.
Tinignan ako ni Gianna "O sige po pa pero konti lang ha!. hindi po sanay si Lawrence na uminom." tumango lang si Papa sa kanya.
Hindi pa nga pala ako nakitang uminom nang asawa ko magsimula nang maikasal kaming dalawa. Habang umiinom kami napahaba ang kwentuhan namin ni Papa. Hindi na rin namin namalayan na ang dalawang bote lang sana na iinumin namin naging tatlo, apat hanggang naparami na pala.